Alice de leon's pov ( true name hannah montereal ) " lolo. Bakit niyo naman ho pinapasa sa akin ang pamamahala ng montereal group??" Reklamo ko. " apo. Matanda na ako. Atsaka dapat ikaw na ang humawak nun dahil sayo din naman mapupunta yun. Ikaw lang ang kaisa isang tagapagmana ko. " sagot ni lolo. " . Bakit naman ho biglaan??? Pwede namang bigyan niyo ako ng palugit .. Mga isang buwan?? " nakataas kilay na tanong ko. " wala na tayong panahon apo. Baka bago ko pa maipasa sayo wala na ako.." " anong wala kana ? Bakit lo? May sakit kaba?" " wala naman apo. Malakas ang kutob ko na ako ang isusunod ng mga smith" Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Oo nga pala. Hindi namin alam kung sino ang isusunod nila. Huminga ako ng malalim. " osige po. Tinatanggap ko na po ." Sagot ko