Chapter 3

3167 Words
Chapter 3 CLARISSE'S POV Nagising na lang ako sa malamig na hangin na nanuot sa aking balat dahan-dahan kong iminulat ko ang mata ko at una kaagad bumunggad sa akin ang kulay puti na kisame. Napa yakap na lang ako sa katawan ko sa sobrang lamig lalong tumatagos sa laman ko ang malamig na hangin na nag mumula sa aircon sa suot ko na manipis na kulay puti na dress na silk na pantulog na hapit na hapit sa hubot ng aking katawan. Umupo ako sa malambot na kama at ginala ko ang tingin ko sa tahimik at hindi familiar na kwarto. Napaka laki ng kwarto, malinis at mabibinggi kana lang talaga sa katahimikan na ako lamang ang mag isa roon. Pinag masdan ko na lang ng tahimik ang paligid, kulay puti ang pader at pinag halong cream ang pintura at combination ng mga gamit sa silid na iyon na pawang lahat mamahalin. Naka upo ako kasalukuyan sa isang queen sizes bed, kahit na rin unan, bed sheet at comforter kulay puti ang kulay. Sa kabilang gilid naman ng kama ang mamahalin at medyo may kataasan rin na lampshade, sa kabila ang katamtaman lamang na drawer. Kaharap naman ng kama ang malaking flatscreen tv na naka sabit at sa ibaba naman no'n ang chimney kung gusto mo mag painit kapag malamig ang panahon. Ang aking pag mamasid lamang napunta sa kabilang dako ng kwarto kung saan napansin ko ang isang pintuan na hula ko na lang banyo siguro iyon at ang isa naman, hindi ko alam kong para saan. Sa kanan naman bahagi ang katamtaman na couch at table kung gusto mo muna maupo at tumambay. Hindi rin naman malayo-layo ang malaking glass window na kulay puti rin ang kurtina at hindi alintana sa akin na mapag masdan ang kulay asul na langit. Kikilos na sana ako paalis ng kama subalit kaagaad naman akong napa ngiwi sa sakit, mabilis kong tinignan ang kaliwang bahagi ng pulsuhan ko na ngayon mamula-mula na iyon kagaya rin sa kabila palatandaam na pag gagapos roon ni Travis sa akin kagabi. Hinawakan ko na lang ang pulsuhan ko at naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Pangyayari na gusto ko na lang kalimutan. Pang yayaring gusto ko na lang paniwalaan na sana kasama pa ito sa mga panaginip ko. Pangyayaring hindi ko matanggap na magagawa ito sa akin ng mga magulang ko, ang ipakasal nila ako kay Travis. Naalala ko na lang ang pangyayari kagabi na mag bigay bigat sa aking dibdib lalo't hindi ko akalain na magagawa nila ito sa akin. Nag simula na lamang na uminit ang mag kabila kong mga mata at hindi ko maitago ang sakit sa aking dibdib na ngayon pag gising ko, asawa ko na si Travis. Ang lalaking hindi ko naman minahal. Ang lalaking hindi ko naman pinangarap na makasama. Tuminggala na lamang ako para pigilan na tumulo ang nag babadyang luhang namuo sa aking mga mata. Umayos ka nga Clarisse. Huwag kang umiyak. Huwag mong iyakan ang nangyari sa'yo. Matapang ka diba? Malalampasin mo rin ito, Clarisse. Malalampasan mo rin ito. Pag papasunod ko na lang sa sarili ko at naging matapang na ang aking mukha na wala nang anumang bakas ng luha sa mata ko. Pinikit ko na lang ang aking mga mata at bigla na lang may gimbal sa aking dibdib ang sumagi sa isipan ko ang huling salita na binigkas sa akin ni Travis. "Anong ginawa mo kay Luke? Anong ginawa mo, sa boyfriend k———" "Nilagay ko na siya sa lugar kong saan siya nararapat. Let's call it a paradise, sweetheart." Sumilay na lang ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi, na parang tinusok ang dibdib ko sa sakit. Bigla na lang ako napa mulat ng aking mga mata at lumukob na roon ang matinding pag alala at takot. "Luke," wala sa sariling pag kakabigkas ko na maalala na lang ang aking nobyo. Binaba ko na lang ang paa ko sa kama at lumapat iyon sa malambot na carpet sa sahig. Nanginginig na ang aking katawan na palingon-lingon na lang sa silid na animo'y may hinahanap. Dali-dali na lang akong kumilos na makita ko ang drawer malapit sa kama, wala na akong pinalampas pang pag kakataon at binuksan na iyon para hanapin ang cellphone ko. Pag bukas ko ng drawer, nanlamig na lang ang katawan ko na wala iyon roon kaya't binuksan ko na lang ang isa sa ibaba ngunit wala rin. Kinagat ko na lang ng mariin ang ibaba kong labi at pinako ang mata ko sa pinaka huling drawer sa ibaba, nag darasal na sana naroon ang cellphone ko. Gusto ko siyang tawagan. Gusto ko siyang maka usap. Gusto kong kompirmahin na walang nangyaring masama sakanya. Gusto kong maka siguro na sana mali lang ang iniisip ko na may ginawang masama sakanya si Travis. Gusto kong paniwalaan ang sarili ko na sana ligtas lang siya at nasa mabuting kalagayan. Sa bawat segundong lumilipas lalo lamang nararagdan ang pag aalala at takot sa aking dibdib ng sandaling iyon. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko narinig ang kanyang boses at makompirma sa sarili ko na okay lang siya. Hinawakan ko na ang pinaka huling drawer at binuksan. Hinawi ko pa ang ilang gamit na naroon sa loob at bigla na lang akong nanghina na makompirma doon na wala ang cellphone ko. Hinang-hina akong napa ayos ng tindig at napako na lang ang mata ko sa kama sa isang tabi. Kumilos na akong hanapin iyon roon at tinaas ko na ang unan at hinawi ang comforter nag babakasali na makita ko iyon roon sa ilalim. "Asan na ba kasi iyon? Asan na?" balisa ko na lang na pag kakasabi na hindi ko pa rin iyon makita. Tinaas ko ang isang unan at para akong pinag bagsakan ng langit at lupa na wala roon ang cellphone ko. Luminga-linga ako sa kabuuang silid at hinakbang ko na ang paa ko para hanapin iyon sa buong silid. Lumipas ang ilang minutong pag hahanap, at nang mapagod na ako napa tutop na lang ako sa aking noo na ginala na lang ang mata ko sa silid. "Asan na ba kasi iyon? Dala ko lang iyon kahapon, hindi p-pwedeng mawala iyon,"nang hihina ko na lang na pag kakabigkas hanggang napako na lang ang mata ko sa pintuan. Ilang segundo akong napa titig na lang sa pintuan na iyon hangang namuo na lang ang plano sa aking isipan. Kong hindi ko matatawagan si Luke. Pupuntahan ko na lang siya at sabay kaming lalayo pareho. Mariin na lang akong napa lunok ng aking laway hanggang hindi ko na lang namalayan ang sarili ko na dahan-dahan ng hinakbang ang paa ko palapit sa pintuan. Kusa na lang akong tumigil na matapat na ako roon at hinawakan na ang seradura. Lumakas na ang kalabog ng aking puso na pinihit na iyon at nakompirma na hindi naman iyon naka lock. Namuhay na lang ang matinding pag asa sa dibdib ko na binuksan na iyon at lumabas na sa kwarto. Bumunggad na lang sa akin ang malawak na hallway na lumingon-lingon pa ako sa kaliwa't-kanan ko na pareho iyon daanann at hindi ko alam kung asan doon ang labasan. Namangha na lang ako sa aking nasaksihan na tila ba paraiso iyon kalaki at ang kagamitan rin pawang mamahalin. White and cream muli ang combination ng pintura, naka sabit sa pader ang iba't-ibang mga ilaw at sa itaas naman ang nag kikislapan na maliit na chandelier na parang krystal iyon kaganda. Napaka kintab rin ang puti na tiles, na kahit mismo langaw madudulas na lang sa linis rin ng paligid na wala kang makikitang anumang dumi. Pinili ko na lang dumaan sa kaliwang bahagi na lakad-takbo na ang aking ginawa para maka alis na sa lugar na ito. May nadaanan naman akong mga pintuan sa gilid ko na hindi ko na lang kinapansin kung ano ang nasa loob no'n dahil hindi naman ako interesado na malaman at hindi rin naman ako tatagal sa lugar na ito. Nag kalap rin ang mamahalin na mga painting, figurines at iba't-ibang malalaking vase at bulaklak ang naka display sa aking madaanan sa gilid na hindi ko na lang kinapansin pa. Tuloy-tuloy na lang ako sa aking pag takbo na mabibinggi kana lang talaga sa katahimikan na wala akong nakitang tao, bukod tangi lang sa akin. Pag liko ko na lang sa malaking hallway, labis na lang ang aking pag kagulat na makita na lang ang dalawang daanan na pasilyo, na kahit ako mismo hindi na alam kong saan na dadaanan. Daanan na naman? Bakit walang katapusan ang daanan dito? Ganito na talaga kalawak ang bahay na ito? Pinili ko na lang dumaan sa kabila, na iyon sa tingin ko ang tama at maka lipas lamang ng ilang segundo natanaw ko na ang hagdanan na mag palakas ng kalabog ng aking dibdib. Bumaba na ako sa hagyanan na hindi ko na lang kina pansin pa ang namuong pawis sa aking noo sa aking pag takbo na naka paa lamang. Pag apak ng aking paa sa unang palapag ang kalakihan na Mansyon kaagad ang sumalubong sa akin, na malula na ako sa laki at karangyaan no'n. Lumunok ako ng mariin ng laway, na hindi ko akalain na ganito pala iyon kalaki. Luminga-linga ako sa paligid na kaagad nahagip ng mata ko ang pintuan na mag bigay saya sa aking puso. Heto na. Makaka alis na ako sa lugar na ito. Makikita ko na si Luke. Makikita ko na ang nobyo ko. Lumitaw na lang ang ngiti sa aking labi, at napuno ng pag asa ang dibdib ko na makaka alis sa lugar na ito sa wakas. Mabilis na lang akong tumakbo sa pintuan bitbit ang saya at pag asang makikita ko na ang aking nobyo. Malapit na ako sa pintuan subalit ang matamis na ngiti sa aking labi bigla na lang napawi. Ang pag asa sa puso ko unti-unti nang napalitan ng pangamba na mapansin na lang ang dalawang lalaki, naka itim na kasuotan at nag mimistula silang bantay base pa lang sa kanilang itsura sa may pintuan. Malaki ang kanilang pangangatawan at matangkad rin, alam ko sa sarili ko na kahit pumilit man ako umalis hindi nila ako hahayaan. Napako na lang ang mata ko sa dalawang bantay, seryoso ang kanilang mukha na naka poker face at naka posisyon ng tindig, na hindi nila napansin siguro ang presinsiya kong naka tayo lamang medyo malayo sakanila. Iniling ko na lang ang aking ulo na dahan-dahan kong inaatras ang paa ko paalis at pinag hinaan na ako. Hindi. Hindi maari ito. Kailangan ko ng maka alis. Kailangan ko ng makita si Luke. Kailangan ko siyang maka usap. Atras lang ako nang atras palayo sa dalawang bantay palayo sakanila hanggang sa pag atras ko bigla na lang ako may mabangga, na kadahilanan na mabitawan nito ang kanyang hawak at maka gawa iyon ng tunog. Bigla naman akong natigilan, na mapako na lang ang mata ko sa sahig na bumagsak na lang ang hawak nitong naka tuping mga twalya. Mabilis niya naman na pinulot ang mga nahulog at mamasa-masa na ang aking mata na maging malilikot na iyon, na hindi alam ang gagawin. Lumingon ako sa kaliwa't-kanan at napansin ko ang ilang katulong na abala sa kanilang mga ginagawa at ilang mga naka itim na lalaki na naka bantay sa kasulok-sulokan ng Mansyon, na mag paliit na lang sa akin ng tantya na maka alis sa lugar na ito. Napa kurap na lang ako ng aking mata at tumindi ang kaba sa aking dibdib lalo't napaka raming bantay sa paligid. Nang matapos niya nang pulutin ang mga nahulog kaagad rin naman na umayos ng tindig ang katulong at humarap sa akin. "Okay lang po ba kayo Mam?" tanong niya naman sa akin na makuha niya ang atensyon ko. Tumitig na lang ako sa babae, na mahuhulaan ko kaagad na bata pa siya base pa lang sa itsura at maamo ang mukha nito. "Nasaktan po ba kayo? Pasensiya na po talag----" Akmang hahawakan niya n asana ako ngunit bago pa niya iyon magawa, iniwas ko na lang ang sarili ko na animo'y takot na takot. Nabigla naman ang katulong sa naging reaksyon at nilayo niya ang kamay niya sa akin. Kinurap ko na ang mata ko na may bahid na iyon ng luha at bago pa siya makapag salita mabilis na akong kumilos na lumayo. Takbo lang ako nang takbo. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Hindi ko rin alam kong saan ako dadalhin ng aking paa basta ang gusto ko lang ang maka alis dito. Iyong maka layo ako sa lugar na ito. Binilisan ko na lang ang aking pag takbo na hindi ko na kina pansin pa ang mga katulong na maka salubong at maka bangga ko sa aking pag takbo basta ang gusto ko lang talaga ang matakbuhan silang lahat. Luminga-linga ako sa paligid na animo'y nawawala na at pinanuyuan na ako ng laway sa aking lalamunan sa pag takbo na dumaan na lang sa isang pasilyo. Sa bawat makita kong pintuan at bintana na posible kong daanan kaagad naman akong napapa hinto na mapansin ang mga naka itim na lalaking nag mistulang bantay roon. Tuluyan nang pinag hinaan ang aking puso at pinikit ko na lang ang mata ko ng mariin na nag patuloy pa rin sa pag takbo. Hindi ko na kina alintana ang namuong pawis sa aking noo at leeg. Hanggang sa aking pag takbo, nag paagaw na lang ng aking pansin na makita ang isang pintuan. Pintuan na alam ko sa sarili kong, labasan na iyon palabas ng Mansyon na ito at wala ring bantay roon. Bigla naman nabigyan ng pag asa ang aking puso na makaka alis na rin rito sa wakas. Hindi na ako nag palampas pa ng anumang pag kakataon at mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan, piniling huminto sa tapat no'n. Hinawakan ko na ang seradura, at pinihit ko na iyon pabukas. Pinag bagsakan na lang ako ng langit at lupa, na naka lock iyon mula sa labas. No,no, no. "Hindi, hindi pwede ito." Patuloy ko na lang na iling at pilit ko na lang pinipihit iyon pabukas kahit alam ko sa sarili ko, na hindi ko rin mabubuksan iyon. "Hindi pwede, h-hindi." Wala sa sariling tugon ko na lang na mamuo na lang ang daplis ng luha sa mata ko na patuloy iyon pinipihit at kinakalampag para mabuksan na iyon. "Huwag mo nang pagurin pa ang sarili mo Clarisse." Ang salita na pinaka ilaliman ng balon sa likuran ko ang mag patigil na lang sa akin. Napa kurap ako ng aking mata at nadama ko na lang ang presinsiya ng isang lalaki na naka tayo sa likuran ko at kanina niya pa ako pinapanuod. "Kahit maka labas ka sa Mansyon na ito, hindi ka rin makaka labas sa puder ko!" Hambog na tinig na lang nito sabay lunok ko na lang ng mariin sa aking laway. Dahan-dahan na napa bitaw na lang ako sa pag kakahawak sa doorknob at lakas loob na hinarap kong sino iyon. Nakita ko na lang si Travis na naka tayo aa harapan ko at naka suot ng marangyang kasuotan. Naka suot ito ng mamahalin na grey suite, at sa kanyang prostura at paraan ng tindig tila ba'y kagalang-galang at hari siyang umasta. Naka poker face lang ang kanyang mukha at kahit medyo masungit iyon dama ko pa rin ang kakaibang lamig sa kanyang mga mata. "Travis!" Puno ng pangigil kong asik sakanya. Bumalik na lang lahat ng galit at puot sa aking dibdib na maalala ko ang ginawa niya sa akin kagabi. Bigla na lang bumigat at namuo ang matinding galit ko sakanya, dahil siya ang may kasalanan kong bakit nalagay ako sa sitwasyon na ito. "Palabasin mo na ako rito, uuwi ako!" Malamig ngunit mababa kong tinig. Imbes na sumagot, hinakbang niya ang paa niya palapit sa akin. Maririnig mo na lang talaga ang mabigat na yabag ng paa niya, na namumuo ng sandaling iyon at nanatili lang ako sa aking kinatatayuan na matapang at hindi natatakot sa presinsiya niya. Kusa na siyang huminto sa harapan ko. "You probably don't understand Clarisse, I won't do that. This is your house now, and you cannot leave this house until I order it." Pag bibitin niya na lang at nakita ko ang pag galaw ng kanyang mata. Mariin na lang akong napa lunok, na sinabayan ko ang pag galaw ng mata niya na tahimik nitong pinag mamasdan ang katawan ko. Napa kurap na lang ako ng mata ko at kahit hindi siya mag salita, nababasa ko naman ang kakaibang apoy sa kanyang mga mata na naka pako ang mata niya sa katawan ko lalo't suot ko pa ang manipis na dress na pantulog, na humapit sa aking hubog ng aking katawan. Lumitaw na lang ang kakaibang ngisi sa kanyang labi, bahagyang yumuko para maka lapit at mag kapantay kaming titig na dalawa. "Pwede ko naman na gawin iyon Clarisse, hahayaan kitang maka labas sa pamamahay ko pero depende kong gaano ka mag be-behave at sundin ang mga gusto ko." Tinaas niya ang kanyang kamay akmang hahaplusin sana ang aking pisngi. Bago lunapat ang kanyang maruming kamay sa akin, na binigyan ko na lang siya nang isang malutong at malakas na sampal. Nanginginig ang katawan ko sa galit na tinignan siya ng kay sama samantala naman si Travis, bigla na lang nanigas ang katawan nito hindi inaasahan na gagawin ko iyon. Tatlong segundo nabalutan ng katahimikan sa panig naming dalawa. Unti-unti na lang lumitaw ang uyam sa kanyang panga bago humarap sa akin ng kay talim. "Huwag na huwag mo akong hahawakan! Sa susunod na tangkain mong hawakan ako, hindi lang iyan ang makukuha mo sa akin!" Banta ko na lang sakanya. "Hindi ako makakapayag na maka sama ang isang demonyong kagaya mo, sa pamamahay na ito. Mag hintay ka gagawin ko ang lahat para maka alis sa buhay at lintik puder na ito Travis!" Tiim-bagang asik ko na lang na hindi na kina-ganda ng timpla ng kanyang mukha. Bahagyang gumalaw ang gilid ng kanyang labi at nababasa ko kaagad ang pag titimpi niya sa aking sinabi, pero nanatili ako sa aking kinatatayuan. Akmang sasagot na sana si Travis, na bigla na lang suminggit na dumating ang kanyang tauhan. "Sir, naka handa na po ang sasakyan sa labas," pamalita na lang nito na nawala na lang bigla ang galit niyang presinsiya. Bahagya niyang pinagalaw ang leeg sa kaliwa't-kanan at kay lamig na lang ang gumuhit sa kanyang mga mata na animo'y nag babanta at nag papahiwatig na babalikan niya ako mamaya sa paraan ng titig nito. Walang pasabi na at inis niya na lang, hinakbang ang paa niya paalis para iwan ako na kaagad naman kina-sunod ng kanyang tauhan sakanya. Nang-hihina na lang akong napa sandal sa malamig na pintuan na animo'y parang nabunutan ng tinik sa aking dibdib na sinusundan na lang ng tingin si Travis paalis. Jusko po. Ano na ang gagawin ko? Paano na ako makaka alis sa lugar na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD