Chapter 10

3004 Words
Chapter 10 CLARISSE'S POV Marahan na lang akong napa yakap sa aking sarili, na humampas ang malamig na simo'y sa aking balat. Pinako ko na lang ang tingin sa kawalan, gumuhit na lang ang lungkot sa aking mga mata na pinapanuod ang malawak na balconahe sa parteng likod ng bahay namin. Hindi na alintana sa akin kong ilang minuto na akong naka tayo roon, ang payapa at tahimik na lugar ang mag pakalma na lang sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at bigla na lang kumirot ang puso ko na maalala na lang ang nangyari kanina. Nangyari na mag bigay sakit sa aking puso, na maalala ang galit na mukha ni Papa. Ang kanyang nanlilisik na mga mata at kong paano niya ako tignan kanina ng kay talim, mag bigay bigat sa aking dibdib. Bakit? Ano bang nagawa kong pag kakamali? Bakit, hindi niya man lang ako magawang intindihin kahit ngayon lang? Uminit na ang sulok ng aking mga mata at hindi ko mapigilan ang sarili ko bumuhos ang luha na kanina ko pa kinikimkim sa aking puso. Umayos ako ng pag kakatayo, tuminggala ako para pigilan ang pag patak ng luha ko pero parang may kusang isip iyon na patoy lamang na umaagos. "Kanina pa kita hinahanap pero nandito ka lang pala. Halika na, mag sisimula na ang tanghalian." Ang malagong na lamang na boses sa likuran ko ang mag patigil na lang sa akin. Mabilis kong kina punas ang daplis ng luha sa pisngi ko pati na rin ang sarili ko at naramdama ko ang presinsiya ni Travis sa likuran ko. "Are you crying?" Napa kurap na lang ako ng mata ko at lakas-loob na bumaling ng tingin sakanya. Malamlam akong tinignan ni Travis, wala akong nakitang emosyon na gumuhit sa kanyang mga mata at pansin ko ang pag obserba niya sa akin ng palihim. "Ano bang pakialam mo!" Asik ko na lang na imbes mainis, nag pakawala na lang siya ng nakaka lokong ngiti sa labi. "Huwag mong sabihin, na iniiyakan mo na naman ang gago mong boyfriend." Nanunuya nitong tinig, hindi ko maipaliwanag kong bakit na lang ako biglang nainis sa katagang binitawan niya. Bakit nasali na naman sa usapan si Luke? Ano bang gusto niya? Iniling ni Travis ang kanyang ulo, at maanggas na naka tayo sa harapan ko na may apat na hakbang ang layo namin sa isa't-isa. Hindi ako naka ligtas sa kakaibang pag titig niya sa akin na nang iinis na mag pakulo pa lalo ng dugo ko sa galit. Hindi na ako kumibo pa at inis na hinakbang ko ang paa ko para iwan siya. Wala akong panahon sa isang kagaya niya. Mabibigat ang ginawaran kong hakbang, dire-diretso lang akong nag lalakad na hindi ko kina pansin ang presinsiya niya na naka tingin sa akin dahil lalo pa akong nangagalaiti sa galit. Bago pa ako tuluyang maka lampas, hinigit niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap sakanya. "Ano bang problema mo? Bitawan mo nga ako!" Matinis kong asik, sabay tabig ng kamay niyang naka hawak sa braso ko ngunit hindi niya pa rin binitawan. Tangina, ano na naman ba ang problema niya. "Ano ba!" "I'm asking you a question, Clarisse." Kalmado niyang tinig at nanunuya akong tumingin sakanya. "Ano bang gusto mo?" Prangka kong asik. Kanina, nainis na ako sa presinsiya niya, lalo pa tuloy ngayon. Kay talim ng titig ang pinukulan ko kay Travis na pinapatay na siya dahil kasalanan niya ito lahat. Kasalanan niya kong bakit ako nahihirapan. Kasalanan niya kong bakit ako napunta sa sitwasyon na ito. Lahat ng kamalasan at problema na dumadating sa akin, lahat ng iyon ng dahil sakanya. "Oh bakit, hindi ka pa ba kuntento na sinumbong mo ako kay Papa na tumakas ako? Paepal ka rin talaga, ano?" Buong uyam kong asik na sumiklab pa lalo ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Alam ko naman eh, siya lang naman naman ang mag susumbong kay Papa. Siya rin naman ang may dahilan kong bakit parati na lang ako mali sa mga magulang ko. Lahat na lang ng ginawa ko palpak at hindi tama. Lahat na lang ng gawin ko, walang silbi. "Oh I see." Bahagyang napa tango ng ulo si Travis, na para bang naintindihan niya ang mga nangyari. Tangina. "Kaya pala mamula-mula ang pisngi mo ngayon dahil sinaktan ka niya?" Tinaas ni Travis ang kaliwa niyang kamay, akmang hahaplusin ang kabila kong pisngi na ngayon mamula-mula na kaagad ko naman kina-iwas. "f**k you!" "Just take it easy, sweetheart." Kalmado nitong salita. Napa singhap na lang ako na hinigit ako ni Travis palapig sakanya kaya't sumampa ako sa matigas niyang katawan. Nag kokompitensiyahan na kami sa paraan ng titig namin sa bawat isa, na walang gustong mag patalo. "Huwag kang magalit, wala naman akong kinalaman doon. Nag tanong lang sa akin ang Papa mo kaya't sinagot ko naman lahat ng mga katanungan niya.. In the first place it's your fault, kong hindi ka sana tumakas hindi ka sana masasaktan ng ganiyan." Umanggat ang gilid ng kanyang labi kaya't nilapit ko pa lalo ang sarili io na hindi mag papatalo. "I know you planned all of this, Travis pero mag hintay ka lang at makaka alis rin ako." Buong tapang kong tinig. Hindi ako makakapayag na kontrolin niya ang buhay ko. Hindi ako makakapayag na makasama ang isang kagaya niya. Imbes masindak sa babala na aking sinabi, nag pakawala na lang si Travis ng nakaka lokong ngisi sa labi. "Kong iyan ang magagawa mo pa." Wika niya na lamang. Inis kong hinatak ang sarili ko palayo sakanya kaya't bago pa man ako maka layo, hinila rin ako ni Travis ng kay lakas pasampa sa kanyang katawan kaya nalaglag na lang sa braso ko ang lace ng suot kong dress. "Ano ba!" "Pwede bang huwag na natin pahirapan pa ang isa't-isa, sweetheart." Nilapit ni Travis ang mukha niya sa akin na ilang dangkal na lang ang layo. "Kaya ko naman ibigay sa'yo ang lahat ng gusto mo. Kalayaan na matagal mo ng inasam-asam, walang guards na mag babantay sa'yo lagi at hahayaan na kita sa lahat ng gusto mo." Pag bibitin niya na lamang, na hindi na akong kumibo nanatiling naka pako ang matalim kong titig sakanya. Hinawakan ni Travis ang lace ng nalaglag kong dress at slow-motion niya iyon inanggat pabalik sa aking balikat na mag pabigat ng aking pag hingga. "But in one condition, slept with me sweetheart, and you will get everything you want." Nag tagpo ang titig naming dalawa ni Travis at bigla na lang tumaas ang balahibo ko sa aking katawan na tumatama ang mainit niyang hiningga sa balat ko. Bumitaw na lang siya ng nakaka lokong ngiti sa labi at bago pa ako mag palunod sa malagkit niyang pag titig, kusa na akong umiwas ng tingin at tinulak ko siya nang kay lakas kaya't napa bitaw siya sa akin. Sobrang bilis na ang kalabog ng aking puso sa kaba na namumuo sa aking puso at dali-dali na akong kumilos para umalis. Lakad-takbo na ang aking ginawa para lamang maka layo sakanya at nararamdamdam ko pa rin ang presinsiya ni Travis sa likuran ko na sinusundan ako ng tingin at nag lalaro ang kapilyohan sa kanyang labi. Mariin ko na lang kina pikig ang aking mga mata. Bwisit ka talaga, Travis. Bwisit. STILL CLARISSE'S POV Tahimik lamang akong naka upo sa silya, pinapakinggan at pinapanuod ang mga magulang kong masayang nag ku-kuwentuhan sa hapag kainan. Naroon kami lahat sa dining area at nag sasalo ng tanghalian. Pasimple ko na lang tinignan ang dining table, naka arrange na iyon na naka lagay kagaya ng pinggan, kubyertos, water goblet na parang nasa mamahalin lang kami kumakain sa set-up ng table. Naka lagay sa gitna ng table ang kulay puti na laces at may maliliit pa iyon na burda. Ang mag bigay kulay na lang ng palamuti, na mag lagay pa ng makukulay at sariwang mga bulaklak na naka lagay pa iyon sa vase na gawa sa babasagin. Nag paagaw pansin rin sa akin ang masasarap at iba't-ibang putahe sa hapag kainan na nag lalaro sa lima pataas ang kanilang pinahanda kagaya ng beef, roast turkey, vegetable salad at kong ano-ano pang masasarap na mga pag kain na natatakam kang pag masdan. Hindi rin nawala sa table ang iba't-ibang mga prutas na naka lagay pa iyon sa mamahalin na lalagyan. Napaka ganda at engrande ng tanghalian na ito, na alam kong pinag handaan ng aking mga magulang. Hindi pa roon natapos dahil maya't-maya na pumupunta ang mga katulong sa dining at hinahain ang mga masasarap na pag kain mula sa kusina, sa kanilang mga niluto. Napaka lawak ng dining area na mas 5x pa ang laki at engrande kumpara sa Mansyon ni Travis, sakto lang naman iyon para sa amin. Nasa gitna ang mamahalin at mahabang square table at mayron pa iyon na eight seater seats, na kong sa iba malaki na nga. Naka upo si Papa sa pinaka dulo, ng bahagi ng table samantala naman kami ni Travis naka upo sa kanang bahagi, na may isang upuan na pagitan ang layo kay Papa. Sa kaliwang bahagi ng table, naka upo naman si Mama at kaharap ko. Nabalutan lamang ng masayang kwentuhan at tawanan ng sandaling iyon sa hapag kainan, samantala naman nakikiramdamam at patingin-tingin sakanila habang nag uusap, dahil hindi naman ako maka sabay sa kanilang pinag uusapan dahil puro lang iyon sa negosyo at kong ano-ano pa. Pasimple kong kina-silip si Travis na naka upo sa tabi ko, tahimik na kumakain at nakikipag usap kay Papa. Ang mga mata niya napaka misteryoso at iwan ko ba sa kumag na ito kong bakit napaka sungit ng emosyon na kanyang pinapakita, hindi pa rin maitatangi na napaka ganda niya ngang lalaki. Ang paraan ng kanyang kilos at galaw sa pag kain, napaka manly. Mapapa titig at mamangha kana lang dahil napaka expensive kong tignan. Simula no'ng nangyari kanina sa amin ni Travis sa palikuran, sinubukan ko na siyang iwasan at hindi siya pansinin. Mas mabuti na ito, hindi kami mag kikibuan na dalawa hanggang maka uwi dahil mas madali pa iyon sa akin. "Clarisse, anak." Ang pag tawag na lang sa akin ni Mama ang mag papukaw na lang sa akin. "Ho?" Iyan na lang ang naisagot ko na ngayon, naka tingin na siya sa akin na animo'y kanina niya pa ako pinapanuod. "Hindi ba anak masarap ang pag kain? Mukhang hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo." Naka pako na lang ang mata ni Mama na para bang may tinitignan na mapa tigil na lang ako. Sinundan ko si Mama kong saan siya naka tingin at napa kurap na lang ako na mapag tanto na pinag lalaruan ko ang pag kain gamit ang kubyertos na hawak ko. Napakagat na lang ako ng ibaba kong labi na ngayon, na hindi ko pa nagagalaw ang pag kain ko sa pinggan. "Ahh, medyo busog pa kasi ako, Ma." Wika ko pa na mapa tango naman ng ulo si Mama. "Dapat kumain ka ng marami." Paalala niya na lang sa akin at pilit na lang akong ngumiti. Binaling ang mata ni Mama sa gawi ni Travis. "How about you, Travis. How's the food Hijo?" Kausap ni Mama kay Travis kaya't napa hinto na rin ito sa pag kain. "I like it, ikaw po ba ang nag luto nito?" Binaba ni Mama ang hawak na kubyertos at hinarap niya si Travis. "Hmm, iyong ilan na pag kain ako ang nag luto at iyong iba naman si Manang na. Iyan na kinakain mo ngayon, ako ang nag luto niyan." Pag mamalaki na lang nito na abot langit na ang ngiti sa labi. "Kaya pala, napaka sarap." "Aww, natutuwa talaga ako dahil nagustuhan mo, Hijo." Pinag dikit na lang ni Mama ang kanyang palad, hindi maitago ang galak na naramdaman na pinuri siya ng isang Travis Ross. "Kain ka pa ng marami. And you too, Clarisse, kain lang nang kain." Kina balik sa akin ng tingin ni Mama na alangan na lang akong ngumiti. "Opo Ma." "Mabuti naman Travis, at napaboran mo ang hiling ko na pumunta kayo ni Clarisse para mag salo-salo tayo ng tanghalian ngayon, kahit busy ang schedule mo." Tugon naman ni Papa, na naka pako ang mata niya na hinihiwa ang beef gamit ang knife at fork na hawak nito. "Nabalitan ko sa secretary mo na aalis ka raw bukas papuntang France?" Ang salita na lang ni Papa ang mag patigil sa akin. Ha? Pupunta si Travis sa France? Bakit ngayon ko lang nalaman ito? "Yes, I have a business trip to attend France, maybe I will be there for about 3 days and after that I will fly to Australia for another 4 days to meet important investors." Wala sa sariling napa baling na lang ako ng tingin kay Travis na marinig ang sinabi niya. "Maybe, I'll just be gone for a couple of days. I also have a lot to take care of, especially the company and the Hotel." Hindi ko maipaliwanag sa aking sarili kong bakit bigla na lang sumaya na malaman na aalis siya. Ibig sabihin no'n ilang araw ko siyang hindi makikita? Sinu-swerte ka nga naman oh. Hindi ko makikita ang pag mumukha ng kumag na ito at magagawa ko na rin lahat ng gusto ko. Nag laro na lang ang kakaibang plano sa aking labi, na binalik ko ang atensyon ko sa kinakain. "Oh really? Australia? Diba doon naka tira ang Mama mo Hijo?" Si Mama. "Naka usap mo na ba ang Mama mo? Sayang naman at hindi siya naka uwi no'ng kasal niyo ni Clarisse." "Mama is still busy, especially now that some of our businesses have expanded in Europe, so she is taking care of a lot of things now. Mama also mentioned to me that she is planning to, vacation here but she hasn't given me a date yet." "Ohh, di maganda iyon." Mama. "Siya nga pala Travis, nalaman ko sa asawa kong si Domingo na nag invest ka raw sa kompaniya namin at tumulong ka rin sa pag hahanap kay Erisse. Maraming salamat Hijo, hindi ko alam kong paano ka pasasalamatan sa lahat ng tulong mo sa amin.." "I'm happy to help, and I'm doing everything I can para tumulong lalo pamilya ko na rin kayo," Nagulat na lang ako na bigla na hinawakan ni Travis ang aking kamay, na mapa tigil na lang ako. Napa tigil na lang ako sa pag kain at dahan-dahan umanggat ng tingin na mag tagpo ang mata naming dalawa ni Travis. Abot langit na ang ngiti sa kanyang labi, na hinawakan niya ng mariin ang kamay ko na maka ramdam ako ng init sa kanyang ginagawa. Hindi ko maipaliwanag sa aking sarili kong bakit ganun na kang kalakas nang impact sa aking dibdib lalo't sobrang lagkit ng paraan ng titig sa akin ni Travis, animo'y inaakit ako. Isa Dalawa Tatlo Apat Lima. Limang segundo mag kalapat ang aming mga kamay na maka ramdam ako ng init at kuryente sa aking katawan sa simpleng pag hawak nito. Napapasong napa bitaw na lang ako sa kamay ni Travis, at umayos ng pag kakaupo. Nakita ko pa rin sa gilid ng mata ko ang malagkit na pag titig niya sa akin, na ibang pahiwatig na mariin ko na lang pinikit ang mga mata ko. Ano ba, Huwag mo akong titigan ng ganiyan. Sita ko naman sa isipan ko. Ano na ang nangyayari sa'yo, Clarisse? Bakit napapadala ka kaagad sa simpleng pag hawak niya sa'yo? Umayos ka nga. TRAVIS POV Napaka lalim na ng gabi, mag isang nag lalakad si Travis sa malawak na hallway. Lumingon siya sa kaliwa't-kanan wala na siyang ibang taong gising pa ng gabing iyon kundi lamang sakanya. Naka patay na rin ang ibang ilaw, ngunit may mangilan-ngilan pa rin na bukas pa na nanaig na lng ang katahimikan. Nag patuloy lamang si Travis sa pag lalakad, na maririnig ang mabibigat niyang yabag sa tiles. Taas-noo at napaka anggas niyang mag lakad hanggang napa tigil si Travis na mag pahagip ng kanyang tingin ang pintuan sa isang dako. Ilang segundo na naka tayo si Travis, naka pako lang ang mata niya roon, pinag patuloy niya ang pag lalakad hanggang kusa siyang tumigil sa tapat ng pintuan. Hinawakan niya ang seradura at bahagyang tinulak na iyon pabukas, bumunggad na lang kay Travis ang malamig na hangin na nag mumula sa aircon. Ginala niya ang tingin sa kabuuang silid na nanaig ang kadiliman dahil naka patay na ang ilang ilaw doon. Ang naiwan na lang naka bukas ang mistulang lampshade malapit sa kama, na hindi sapat mapunan na liwanag ang buong kwarto. Inapak ni Travis ang paa niya papasok sa silid, nag patuloy lamang siya sa pag lalakad hanggang pinili niyang tumigil sa gilid ng kama. Malaya niyang pinag mamasdan ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Tumitig na lang si Travis sa inosente nitong mukha na mahimbing na natutulog. Napako na lang ang titig niya na pinag mamasdan na lang ito, simula sa maganda nitong mukha. Mayron itong matangos na ilong, makapal at mahabang pilik mata. Para itong anghel na natutulog lamang na napaka sarap pag masdan. Bumaba ang mata ni Travis na mapunta sa kanyang mamula-mulang labi hanggang napunta sa makinis at maputi nitong kutis, na kitang-kita ang balat nito sa suot ng sexy silk night gown. Tinaas ni Travis ang kanyang kamay at pinasadahan na haplusin ang pisngi nito, na parang diyamante na ininggat-ingatan. Sa isang iglap umiba ang nag larong emosyon sa mga mata ni Travis, napalitan iyon ng lamig at madilim na awra ng kanyang pag katao. "I can't let you ruin all my plans, Clarisse. You're only mine, sweetheart. Hindi ako makakapayag na na mapunta sa sa iba at sirain na lang ang lahat." Bahagyang nilayo ni Travis ang kanyang kamay sa pisngi ng asawa at umayos siya ng tindig. Sa huling pag kakataon, kina lingon niya ang mahimbing pa rin na natutulog na asawa sa kama bago niya hinakbang ang paa niya palabas sa silid na iyon. Lumitaw na lang ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD