Chapter 75 CLARISSE’S POV “Salamat Ma, sa mga bulaklak.” Ngumiti ako kay Mama na ngayon ay dinadalaw ako. Inamo’y- amoy ko pa ang bulaklak na nakalagay pa iyon sa basket, maganda ang pag kaka-arranged at naka lagay na notes na mag pagaling raw ako. Na-touched naman ako sa simpleng mensahe na naka lagay sa notes at natutuwa rin ako sa kanyang pag bisita. Hindi lang bulaklak ang dala ni Mama kundi mga prutas at mga homemade healthy foods kagaya ng gulay na siya pa mismo ang gumawa, na iyon daw ang kakainin ko. “Syempre naman, pinili ko talaga iyan na mga bulaklak dahil paborito mo.” Aniya niya. Inayos niya ang mga dala niya at ilan sa mga pagkain, pinababa niya na sa katulong para ilagay sa ref. Binilin niya pa ang mga ito na iyon dapat ang ipakain sa akin para daw gumaling na kaagad a

