Chapter 20

3296 Words
Chapter 20 CLARISSE'S POV Napa pikit na lang ako ng aking mata na tumama ang sinag ng araw na napa silaw sa akin. Napaka ganda ng panahon ng sandaling iyon at kulay asul rin ang kalangitan na wala ng nag babadyang panaka-nakang pag bugso ng ulan at ihip ng hangin. Nasa labas lamang ako ng bahay ni Travis, naka tayo naka parada na ang itim na sasakyan. Ito na kasi ang araw na aalis na kami dito dahil maganda na ang panahon at pwede na rin daanan ang kalsada. Nag lalagay at ayos na si Travis ng ilang gamit namin na pinapasok na doon samantala naman ako pinapanuod ko lang siya ng tahimik. "Sir Travis." Abot langit ang ngiti ni Manong Tomas na lumapit sa amin. Naka pang bahay lang siya na kasuotan at pansin kong may hawak siya na katamtaman na styrofoam iyong lalagyan ng yelo basta ganun. "Ito'y dalhin niyo na sa inyong pag alis." Binaba na lang ni Manong Tomas at binuksan, nakita ko ang malalaki at sariwang mga bangus na alam kong bagong huli iyon. "Wow ang rami naman po niyan Manong." Nag ningning naman kaagad ang mata ko na makita malulusog at ang iba'y nag pupumilantik pa dahil buhay pa nga. "Oho," pag sasang-ayon naman. "Alam kong paborito niyo ito kaya't nag pahuli ako ng marami para sa ganun may makain kayo pag dating sa Mansyon." "Maraming salamat." Bored na tinig ni Travis. "Ilagay niyo na lang sa likod ng sasakyan at ako na lang ang mag aayos." "Sige po Sir." Excited naman muli ng matanda na binuhat ang styrofoam na dala-dala at nag simula na si Travis na kumilos para buksan likod ng sasakyan para alalayan na ang matanda na doon ilagay iyon. Sumunod na sakanya si Manong at pinapanuod ko lang silang dalawa sa isang tabi. Nang matapos ng maikarga ni Manong ang mga bangus masinsinan naman silang nag usap na dalawa. "Maraming salamat Mang Tomas, kami'y gagayak at marami pa akong gagawin. Tawagan niyo na lang ako kapag nag karoon ng problema. Ikaw na po ang bahala rito." "Opo Sir Travis." Kahit may distansiya ako sakanilang dalawa, ewan ko ba kong bakit rinig na rinig ko pa rin ang pinag uusapan nilang dalawa. Wala lang may sa pusa ata ako. Naka sentro lang ang atensyon ko sakanilang dalawa hanggang nilabas na nga ni Travis ang wallet niya at binigyan niya ito ng makakapal na libo-libong pera, walang katapusan naman na pasasalamat sakanya ang matanda. Walang expresyon lang ang mukha ni Travis, hindi ko alam talaga kong ano ba talaga ang tunay na nararamdaman dahil sa poker face ang mukha na kinakausap ito. Hinawakan ni Travis ang balikat ng matanda saka nag paalam na rito. Nag lakad na si Travis papunta sa kanyang kotse, binuksan niya ang pintuan sa driver seat at papasok na sana subalit kaagad naman itong napa hinto na hindi pa ako kumikilos pasunod sakanya. "Ano pa ang ginagawa mo diyan, Clarisse? Hindi ka pa ba sasakay?" Medyo may pagka sunggit niyang tinig na mapa busanggot na lang ako. Ata na atat? Hindi na ako kumibo pa na kumilos, na kina sundan naman ako ni Travis ng tingin hanggang pumasok na siya ng sasakyan. Pinili ko na na buksan ang pintuan sa backseats at maupo roon na komportable. Inayos ni Travis ang mirror sa unahan at hindi ako naka ligtas sa matalim niyang titig na kumunot na lang ang noo ko. Bakit na naman ba? "Seriously? Gagawin mo akong driver mo?" Naiinip nitong tinig. "Dito ka sa unahan at katabi ko." Bossy nitong tinig kaya't heto padabog akong lumabas sa sasakyan para pumunta sa unahan. Ano ba, napaka arte naman kasi eh. Binuksan ko na ang pintuan ng katabi ng front seat at naupo na ako sa tabi niya para matapos na ito kaagad. Naka cross-arms pa ako at naroon pa rin ang tingin sa akin ni Travis, binabantayan ako. "What?" Naroon pa rin ang seryoso ngunit kay talim kong paano niya ako tignan. Tinaas ko ang isa kong kilay at walang pasabi na binalik ang atensyon sa unahan ng sasakyan. Wala na akong narinig pang salita mula kay Travis hanggang pinaandar niya na ang sasakyan. Habang tinatahak namin ang byahe, tahimik lang si Travis na naka pako ang atensyon niya sa pag mamaneho samantala naman ako nilibang ko ang sarili ko sa panunuod sa madanaan. Wala naman akong libangan kaya't pinapatay ko na lang ang oras ko reto sa pag masid ko sa labas ng bintana na mahigit tatlong oras at may kalahati ang ang aming byahe. Habang abala ako sa pag mamasid, nabahiran na lang ng pag alala ang mata ko lalo't tatlong araw na ako hindi pumapasok sa klase, doon ko lang napag tanto na may mahalaga pa pala akong gagawin lalong-lalo na kailangan ko pang mag report sa isa sa aking mga professor. Pinag lalaruan ko na lang ang aking kamay, ilang beses nag pakawala ng malalim na buntong-hiningga lamang lalo't kahapon pa dapat ako kailangan na mag sumita ng aking presentation. "Still worried?" Ang tinig na lang ni Travis sa tabi ko ang mag paputol ng malalim kong iniisip lalo't napaka halaga pa naman sa akin ang pag maintain ng grades ko at ayaw kong lumagapak na lang. Alam ko naman hindi nito ma reconsider ang aking execuses na hindi naka pasok at naka gawa ng report ko dahil na stranded ako sa isang lugar at hindi maka uwi-uwi. "Hindi ba halata?" Wala na akong panahon na mag sungit at sisihin na lang si Travis dahil pinaka una hindi niya naman kasalanan. Hindi niya naman kasalanan na bumagyo na lang ng ganun. Kinagat ko na lang ng mariin ang aking ibabang labi at nabahiran ng pag kabahala ang mga mata ko. "You don't have to worry, ako na ang bahala doon." Maka hulugang tinig na lang ni Travis na wala sa sariling napa baling ako ng tingin sakanya na ngayon naka pako na ang atensyon niya sa pag mamaneho. Ano kaya ang ibig sabihin no'n? Hanggang maka uwi na kami ni Travis sa Mansyon, hindi na kami nag kibuan pa. Hindi ko na rin binigyan pa ng anumang kahulugan ang huling sinabi niya sa pag uusap naming dalawa dahil ayaw ko ng mag isip pa. Pasado ala una pasado na kami naka rating sa Mansyon at pinili ko na lang mag pahingga dala ng mahabang byahe, samantala naman si Travis ayon at may kinuha lang siya na ilang importanteng gamit at pag katapos umalis rin naman kaagad. Kina-umagahan tahimik lang akong nag lalakad sa hallway, nilalampasan ang ilang estudyante na maka salubong ko sa daan. "Clarisse." Patakbong lumapit sa akin ang kaibigan ko na makita niya ako. "Faye." Huminto naman ako sa pag lalakad. "Bakit ngayon ka lang? Tatlong araw kang hindi pumasok at hinahanap kana ni Sir, lagot ka." Inayos niya ang pag kakasabit ng dala niyang bag at labis akong nabahala na ngayon hinahanap na ako. Lagot na nga talaga. Ano na ang gagawin ko neto? Tiyak na babagsak na talaga ako sa subject niya. "Ganun ba?" Alangan kong sagot kundi sa loob-loob ko naroon pa rin ang pag kabahala lalo't hinahanap lang naman ako ng Professor ko. "Hayaan mo at kakausapin ko na lang si Sir at baka bigyan niya pa ako ng riconsideratio——-" "Iyan kong bibigyan ka pa." Pag gagatong lang naman ni Faye. "Kong nakita mo lang ang mukha ni Mr. De Vera na malaman niyang wala ka, ayun galit na galit talaga na pinag buntungan niya pa nga kami ng galit niya eh.. Hindi lang sa tinatakot kita Clarisse pero iyon talaga ang timpla ng mukha niya na pinag sukluban ng langit at lupa na hindi ka nag pakita." Kaagad naman akong pinag hinaan sa balita na lang ng kaibigan ko. Hindi lang talaga ako lubusang nababahala sa grades na matatanggap ko sa kanyang subject kundi na rin, kilala rin si Mr. De Vera sa terror at napaka strict na rin sa klase. Binalita pa sa akin ni Faye kung gaano nagalit ang matanda sa hindi ko pag pasok, na imagine ko na kaagad ang nakaka takot na mukha neto. Si Mr. Dela Vera kasi ang tipong Professor na hindi nag bibigay ng palugit at anumang excemption sa kanyang mga estudyante kapag na-late na naka sumbit o kaya naman hindi naka present kahit may valid na reason. Nababahala lang talaga ako na baka salubongin ko pa ang matinding galit ng matanda at kina babahala ko pa nang husto lalo't baka hindi niya na ako bigyan pa ng pag kakataon. Bahala na. Kakausapin ko na lang siya mamaya. Siguro naman bibigyan niya ako ng pangalawang pag kakataon sa report ko. "Saan ka ba kasi nag pupunta ha?" Sermon niya na lang na pinag patuloy ko na lang muli ang pag lalakad. Naka sunod naman sa akin si Faye pero hindi pa rin matapos-tapos ang kanyang pag interrogate sa akin. "Hindi naman kita matawagan dahil wala ka nga na cellphone.. Bakit ba kasi hindi ka pumasok? May nangyari ba?" Iniling ko ang aking ulo bilang sagot. "Hindi." Wika ko pa. "Sa pangasinan. Sa pangasinan kami ni Travis." "Ha? Pangasinan?" Pag uulit niya naman at nakikita ko sa mata niya ang pag kabigla na sa tatlong araw na wala ako, naroon lang naman ako sa Pangasinan. "Ano naman ang ginagawa mo roon sa Pangasinan, na kasagsagan pa talaga ng pasok natin?" "Basta, sasabihin ko na lang sa'yo Faye mamaya." "Ikaw bahala." Anito. "Sinasabi ko lang sa'yo, sa tatlong araw na hindi ka pumasok marami kang naka ligtaan na mga lesson at kahit na rin mga quizzes natin." Bakit pa kasi tinatagpo na wala ako? Kaasar naman. "Alam ko, alam ko." Wika ko na lamang. "Bilisan mo na riyan Faye at baka mahuli pa tayo sa susunod natin na pasok. Mamaya ko na iku-kwento sa'yo ang nangyar———" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na kaagad naman akong mapa hinto na lang na mag paagaw pansin sa akin na makita ang dalawang bulto ng tao, medyo may kalayuan sa amin. Naka centro lang ang mata ko sa dalawang bulto na taong sweet na sweet, walang iba kundi si Luke at Betina. "Oh, bakit kana nahinto? Akala ko ba nag mamadali tayong dalawa?" Faye na napa hinto na rin. Nag taka na sinundan kong saan ako naka tingin at bahagyang tumaas ang isa niyang kilay na makilala kong sino ang tinitignan ko. "Aba naman, ang sakit nila sa matang dalawa panuorin!" Rinig ko pang himutok niya pa na hindi na ako kumibo pa. Rinig ko ang munti nilang tawanan na ngayon abot-langit na ang ngiti sa kanilang labi habang nag uusap. Bumaba na ang aking tingin at huminto na makita kong mag kahawak kamay pa. Hinaplos ni Betina ang pisngi ni Luke at ang titig niya sobrang lagkit rito. Nilapit niya pa ang mukha sabay paiwan ng matamis na halik sa labi bago nag paalam na pumasok na sa silid. "Halika na Faye." Aya ko na lang sa kaibigan at hinakbang ko ang paa ko para makapag patuloy na sa pag lalakad. Hindi pa naman ako nakaka dalawang hakbang na hunarang sa dinaraanan ko ang kaibigan ko kaya't napa tigil na lang ako. "Sandali, ano iyon Clarisse?" Taka niyang tinig na kahit ako hindi ko mahulaan ang ibig niyang ipahiwatig roon. "Ha? Anong, ano iyon?" Tumaas pa lalo ang kilay ni Faye. "Ganun na lang? Wala ka man lang na reaksyon na makita silang nag hahalikan na dalawa?" "Bakit ano ba dapat ang maging reaksyon at mararamdaman ko Faye? Iyong umiyak at masaktan?" Hindi ko alam kong bakit wala na akong naramdaman na anumang kirot at sakit na makita silang mag kasama. Wala ng luha na nag badyang tumulo na makita silang nag hahalikan. Simpleng hindi lang ako naapektuhan. Wala lang akong reaksyon, ang rason? Hindi ko rin alam, kong bakit. Matapos ng kirot, sakit at luhang binuhos ko kay Luke, siguro naging manhid na ako sa lahat. "May lagnat ka ba?" Tinaas ni Faye ang kaliwa niyang kamay para tignan ang aking temperatura. "Bakit parang ibang-iba kana ata ngayon Clarisse? Last time na pagka alala ko, patay na patay ka kay Luke na halos umiiyak ka pa nga sa harapan ko para balikan ka lang niya tapos ngayon, parang wala lang?" Amused niyang tinig na isang ngiti na lang ang sinagot ko. STILL CLARISSE'S POV Napa tingin na lang ako sa relo ko pasado alas singko na ng hapon at sakto rin tapos na ang pasok ko sa araw na ito ngayon. Binabaybay ko lang naman ang malawak na hallway, na may mangilan-ngilan naman akong mga estudyante na naka salubong na pauwi na rin sila. Iyong iba naman nasa kanya-kanya pang silid at hindi pa tapos ang kanilang klase. Si Faye, hindi ko na kasama dahil dadaan muna ito saglit sa Library para tapusin ang kanyang report at nauna na ako sakanya. Ilang minuto na aking pag lalakad, natigilan na lang ako na makita ko na lang sa isang dako si Mr. Dela Vera kasama ang isang teacher din na paalis na sila. Binilisan ko na ang aking lakad para maabutan siya at maisabi ang aking pakay. Kailangan ko siyang maka usap. "Sir," medyo napa lakas ng konti ang pag tawag ko kaya't kina tigil naman ng dalawa. "Sir, pwede po ba kitang maka usap?" Huminto na lang ako sa gilid nila na nag senyasan pa ang dalawa bago humarap sa akin. "Sige, maiwan na kita." Paalam ng professor na kasama nito at nauna na itong nag lakad paalis. "Oh, ikaw pala Ms. Clarisse, ano ang iyong sadya?" Hindi ako naka ligtas sa walang buhay niyang pag kausap sa akin. Naroon na lang ang pangamba na namuo sa aking dibdib lalo't kilala siyang terror talaga sa klase. Natatakot rin talaga ako na hindi niya ako pag bigyan sa aking gusto. "Sir, pasensiya na talaga kong hindi ako naka pasok at naka report last meeting." Habol na tinig ko na nanatili lang siyang naka tingin sa akin. "Huwag niyo sana akong ibagsak Sir, please babawi na lang ako basta bigyan niyo pa ako ng pag kakatao——-" "Hindi na kailangan Ms. Villaforte!" Patapos na wika nitong napa tigil na lang ako. Anong hindi na kailangan? Hindi na kailangan dahil bagsak na ako? Hindi na kailangan dahil, hindi na ako pu-pwedeng bumawi? Hindi puwede iyon. "Ho?" Kurap kong tinig, hindi ko alam ang mararamdaman ko ng sandaling iyon sa takot na lang na tuluyan na akong bumagsak sakanya. "Ang sabi ko hindi na kailangan." Pag uulit niya pa. "I will make an excemption on you Ms. Villaforte, bibigyan kita ng pangalawang pag kakataon para mag present at report sa akin next meeting. Kilala mo naman ako, hindi basta-basta bumibigay ng palugit sa mga estudyante ko." Labis na lang ang tuwa sa aking dibdib habang sinasabi niya ang katagang iyon. Hindi na ako kailangan pang mangamba pa. "Oho." "May tatlong araw ka pa para tapusin at gawin ang report na kailangan mo at sana sa pag kakataon na ito huwag mo nang sayangin pa. Nag kakaintindihan ba tayong dalawa?" "Opo, opo maraming salamat talaga Sir." Hindi na siya sumagot pa sa akin. Naging seryoso at masungit ang mukha niya, hindi na kumibo at iniwan niya na ako. Sinundan ko na lang ng tingin si Mr. Dela Vera, hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi. Hindi na maalis sa akin ang pag tataka sa aming pag uusap na dalawa. Huh, ano iyon? Bakit parang napaka dali ata sakanya na bigyan ako ng dalawang pag kakataon sa report ko? Anong nanyari? TRAVIS POV "Good evening Sir." Malugod na bati ng mga katulong na pinag buksan siya ng pintuan pag kapasok niya pa lang sa Mansyon. Walang kibo si Travis na nag lakad, naka sunod sakanya ang dalawang tauhan na naka itim na parating naka masid at silbing bantay sakanya. Dire-diretso lamang si Travis nag lakad taas-noo na kusang mga katulong kusang umiiwas para bigyan siya ng daan. Kusa nilang niyuyuko ang kanilang ulo bilang mag bigay pugay sakanya. Tumigil si Travis sa malawak na sala, ang pananahimik niyang pamasid-masid sa kabuuang Mansyon ang mag bigay lamig na aura at tensyon ng taong naroon na kasama niya. Maanggas siyang tumindig at dali-daling lumapit sakanya ang Mayordoma. "Good evening Sir." Magalang na bati ni Marita, na pinakita nito ang matamis na ngiti sa labi. "Kumain na po ba kayo Sir? Ipag hahanda ko kayo ng makakai——-" "Hindi na kailangan, busog pa ako." Malagong niyang tinig na kina-tango naman neto ng ulo na makuha ang ibig niyang ipahiwatig. "Baka, gusto niyo ng maiinom. Ipag hahanda ko kayo ng mainit na tsa-a na parati niyong iniinom." "Hindi na, mag papahingga na ako." Yumanig sa malawak na sala ang lamig ng kamyang boses. Ang pag mamasid ni Travis sa kabubuang Mansyon ang mag pabaling ng tingin niya sa Mayordoma. "Si Clarisse?" Pag hahanap niya sa asawa, na mapansin niyang hindi niya mahagilap ang presensiya nito. "Ahh, naroon na siya sa inyong silid." Wika nitong hindi na kumibo pa si Travis. "Kanina pag dating niya galing skwela, hindi na siya lumabas ng silid. Inaya namin siyang kumain ng hapunan at meryenda pero hindi talaga siya bumaba.. Aba'y napaka tigas talaga ng ulo, napaka layo niya talaga sa kanyang kapatid. Mabuti pa si Mam Erisse a———" hindi na neto natapos pa ang anumang sasabihin na binigyan ni Travis ito ng matalim at nag sisindak na titig na mapa- tikom na lang ito ng kusa ng kanyang bibig. "Ipag paumanhin niyo po Sir ang aking sinabi. Sorry ho." Pag hinggi neto ng despinsa na naroon na lang ang bakas na takot sa kanyang mga mata, na hindi niya pa rin inaalis ang mata rito. Hindi na kumibo pa si Travis, dire-diretso niya na lang hinakbang ang paa para ipag patuloy ang kanyang pag lalakad. Iniwan niya na ang Mayordoma, hindi niya na kina lingon pa at dire-diretso lamang siyang nag lakad papunta sa ikalawang palapag. Sa pag lalakad na lang ni Travis natapat na lang siya sa pintuan ng kanilang silid. Hinawakan niya ang seradura at tinulak pabukas ang pintuan, sumalubong na lang sakanya ang katahimikan ng silid. Ginala niya ang mata niya sa buong kwarto at naka patay na rin ang ibang ilaw roon kaya't ang ilang bahagi nilamon na nga ng kadiliman. Ang tahimik na pag mamasid ni Travis bigla na lang napukaw na mag paagaw pansin sakanya na makita ang kanyang asawa. Hinakbang niya ang paa papasok sa loob ng silid, na maririnig mo na lang ang mabagal at mabigat na yabag ng kanyang paa. Kusa na lang napa tigil si Travis na matapat siya sa study table at napa awang siya ng labi na maabutan niya ang kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Pasimple niyang sinuri na naka patong sa lamesa ang lampshade, naka bukas na laptop at samo't-saring mga notebook at libro na naka patong roon. Ilan pa roon naka bukas na hindi niya natapos gawin dahil naka tulog na nga ito. Ang pag mamasid na lang ni Travis, mapa hinto sa kanyang asawa na ngayon, naka patong pa ang kamay sa ibabaw ng desk bahagyang ginawang unan na roon naka patong ang kanyang ulo. Kalahating mukha lang ng kanyang asawa ang kanyang napag masdan dahil natatakpan iyon subalit, hindi alintana sakanya na mapag masdan ang mala anghel netong mukha kahit may kadiliman sa loob ng silid. Napa anggat ng labi na lang si Travis, ilang minuto siyang naka tayo at pinag mamasdan ang magandang mukha ng kanyang asawa. Tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at bahagyang hinaplos niya ang mamula-mulang pisngi neto hanggang ang kamay ni Travis napunta na numaba na humaplos sa mala-rosas nitong labi pag katapos sumilay ang maka hulugang ngisi sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD