Chapter 8
CLARISSE’S POV
“Ano ba, bitawan mo ako Travis. Ang sabi ko bitawan mo na ako.” Dumaongdong ang malakas kong tili na pag sigaw ang maririnig mo ng sandaling iyon.
Pulang-pula na parang kamatis ang mukha ko sa inis at galit na ngayon kinakaladkad ako ni Travis papasok sa loob ng Mansyon na buong pwersa at lakas, na tila ba parang papel lang akong natatangay sa pag hatak niya.
“Putangina talaga Travis, bitawan mo na ako sabi!” Matinis ko na lang na mura muli na pilit hinahatak ang sarili ko na mapa bitaw siya sa pag kakahawak sa pulsuhan ko hindi ko magawa dahil mas malakas siya kumpara sa akin. “Bitawan mo na ako sabi eh!” Asik ko na sakanya na lalo pa akong nagalaiti sa galit lalo’t nag bibinggihan lang siya sa pakiusap at pag mamakaawa ko.
“A-Aray nasasaktan ako, Travis.” Daing ko na lang na mahina na lalong humigpit ang pag kakahawak ni Travis sa pulsuhan ko na kulang na lang baliin niya iyon sa higpit na pag kakahawak niya doon. Maluha-luha na ang mata kong pilit na inaalis ang kamay niya ngunit hindi sapat ang lakas ko kumpara sakanya.
Tinignan ko ngayon ang malapad na likod ni Travis, at mabibigat ang ginawaran niyang pag martsa na nag lakad. Nabahiran ng madilim ang aura ang buo niyang pag katao at ang kanyang mata’y naging malamig at nanlilisik. Unti-unti nang namuhay ang matinding kaba sa aking puso sa pagiging tahimik niya simula umalis kami sa bahay ni Luke, na alam ko sa sarili kong nag pipigil lamang siya ng emosyon at galit.
“Ano ba! Tangina naman Travis oh!” Walang katapusan na pag hihimutok kong inaalis ang kamay niyang naka hawak ng mariin sa pulsuhan ko pero hindi pa rin niya binibitawan. Bumigat na lang ang aking pag hingga at natigilan na lang ako na mapansin ko ang ilang katulong na kusang binibigyan kami ng daan.
Sa tuwing makaka salubong namin sila, bigla silang umiiwas at ang iba naman napapa tigil sa kanilang ginagawa at may takot sa kanilang mga mata na hindi ko mawari. Kusa nilang niyuyuko ang kanilang ulo takot na takot na ayaw salubongin ang nag babagang mga mata ni Travis.
Ramdam ko ang matinding tensyon ng mga katulong ng sandaling iyon na kahit na sila, bigla rin nabigyan ng pangamba ang kanilang puso sa pagiging iba ng timpla ng mukha nito.
Mariin na lang akong napa lunok ng laway, at pinag sawalang bahala ko na lang ang mga nakita ko at nanaig na lang ang determinasyon sa aking puso na maka wala at maka alis sa kanyang pag kakahawak.
“Tangina talaga, hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko bitawan mo na ako. Papatayin kita Travis!” Ang matinis na mura ko na lang ang iyong maririnig sa loob ng Mansyon, wala na akong pakialam kong marinig man ang malakas na sigaw at pag tili ko.
Hindi na maipinta ang mukha ko, sa kirot na pag kakahawak ni Travis sa pulsuhan ko na alam kong mag iiwan iyon ng marka pag katapos kaya’t pilit na lang akong nag pupumiglas.
Pilit kong binabawi ang pulsuhan ko sa abot ng aking makakaya at hindi pa ako nakuntento pinag hahampas ko na lang nang malakas ang kamay ni Travis. Gumuhit na lang ang matinding galit at frustration ko na ngayo’y palayo na ako nang palayo sa pintuan na mag pabigat ng aking nararamdaman.
Hindi
Hindi maari.
Hindi maaring ikulong niya muli ako sa lintik na bahay na ito.
Kailangan kong maka alis.
Kailangan kong maka takas.
Kailangan kong makita at maka usap si Luke.
Ayaw ko na dito.
Iniiling ko na lang ang aking ulo at uminit na ang sulok ng aking mga mata sa takot.
“Ano ba Travis, pakawalan mo na ako. Gusto kong makita si L-Luke!” Basag kong tinig at baka sa pag kakataon na ito pakikinggan niya ako. Baka sa pag kakataon na ito, tigilan niya na ako. “Gusto ko siyang puntahan, ano ba Travis!” Ang malakas ko na lang na sigaw ang maririnig mo sa loob ng Mansyon, na ngayon hatak-hatak na ni Travis ang pulsuhan ko paakyat sa ikalawang palapag.
Naging mabigat na ang martsa ng paa ni Travis habang nag lalakad sa malawak na hallway, randam ko ang galit niya samantala naman ako aligaga at takot na takot na hindi alam ang gagawin.
Palinga-linga lang ako sa paligid, na wala akong makitang tao doon na mag pabigat pa lalo ng aking puso, na hindi ko na maipaliwanag ang kilabot ang nanalaytay sa aking laman na malapit na kami sa silid.
Pabalang na binuksan ni Travis ang pintuan, kaya’t maka gawa iyon nang malakas at nakaka hindik na tunog. Marahas niyang hinatak ang pulsuhan ko pasunod sakanya. “Ano ba, Travis! Hindi ka ba marunong umintindi? Ang sabi ko bitawan mo na ak—-ugh.” Hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na padabaog na lang binitawan ni Travis ang pulsuhan ko kaya’t napa salampak na lang ako nang malakas sa malambot na kama.
Tila ba’y parang may naka patong na mabigat na bagay sa aking dibdib na hindi ako maka hingga ng sandaling iyon na ramdam ko ang presinsiya ni Travis, naka tayo sa gilid ng kama at tahimik akong pinapanuod. Nanigas na lang ang aking katawan at hindi maka galaw, napako ang aking mga mata sa aking pulsuhan ngayon mamula-mula na iyon palatandaan kong gaano karahas at higpit ang pag kakahawak niya doon.
Maluha-luha at pinag halong galit ang gumuhit sa mata ko na tinitigan si Travis na perinti lang naka tayo sa gilid ng kama at parang wala sakanya ang ginawa niya, na mag patindi ng puot sa puso ko.
Napa kurap ako ng aking mata, walang pasabi na umalis sa ibabaw ng kama para iwan siya. Bago paman ako maka alis at maka lampas, napa singhap na lang ako na may marahas na pumigil at humawak sa pulsuhan sabay hatak paharap sakanya.
“Where the heck where going again, huh?!” Malakas na singhal niya na mapa pikit na lang ako ng mata ko na bumaon ang kamay niya sa laman ko.
“Tangina, ano bang problema mo?” Inis kong tinabig ang kamay niyang naka hawak sa braso ko, ngunit hindi pa rin siya napa bitaw. Kay talim ng pinukulan kong pag titig kay Travis, na pinapatay siya sa paraan ng pag titig ko.
Ano bang problema niya?
At bakit siya nakiki alam sa buhay ko?
“My problem? Are you really going to ask me what my f*****g problem is?” Uyam niyang tinig at napa daing pa lalo ako nang mahina na hinatak niya ako palapit sa katawan niya. Tumindi lamang ang galit sa kanyang tinig at humigpit pa lalo ang pag kakahawak niya sa braso ko na matapang akong humarap sakanya na hindi na natatakot. “My problem is, you don't follow my f*****g rules Clarisse, I warned you before na hindi ka aalis hangga’t hindi ko sinasabi but you still disobeying me.” Umigting na lang ang kanyang panga at namuhay ang matinding galit sa mukha niya.
“Ano ba, nasasaktan ako!” Inis kong asik na tinabig ko pa ang kamay niya na naka hawak sa braso ko na hindi niya pa rin binibitawan. Namuhay na ang matinding kaba sa aking puso sa pagiging iba ng timpla ng mukha nito, pero tinatatagan ko na lang ang puso ko. “Pupuntahan ko si Luke at hindi mo ako mapipigilan sa gusto ko Travis!” Matapang ko na lang tinig at nag pakawala na lang siya ng isang nakaka kilabot na ngisi.
“You will never see him again!” Ang maka hulugang tinig niya na lang ang mag bigay matinding kaba sa aking puso. No,no, no.
Huwag mong sabihin sa akin na totoo ang sinabi mo sa akin noon.
Huwag mong sabihin sa akin, na tama ang hinala ko na may ginawa ka nga sakanya.
“Anong ginawa mo kay Luke? Anong ginawa mo sa nobyo ko, T-Travis.” Bigla na lang akong nanlumo at nabahiran ng takot ang aking mata na tumitig sakanya na wala akong nakitang anumang sagot. Nanatili lamang iyon malamig at nakaka kilabot na nag pahina pa sa akin. “Sagutin mo ang tanong ko Travis, anong ginawa mo kay L-Luke! Ha? Ano?!” Singhal ko na lang at hindi ako makapag pigil na tinulak ko na lang siya nang kay lakas sa dibdib, ngunit lalo pa akong nasaktan na hindi man lang siya nasaktan doon.
“I already answered that question of yours, sweetheart.” Lumitaw na lang ang nakaka kilabot na ngisi sa kanyang labi, na uminit na naman ang sulok ng mga mata ko muli. Hindi, hindi maari.
“Anong ginawa mo sakanya? Huh? Ano? Napaka walang-hiya mo talaga Travis! Napaka walang hiya mo!” Malakas kong sigaw at hindi na ako makapag pigil, na malakas kong pinag hahampas at pinag papalo ang kanyang dibdib nang paulit-ulit para mailabas lahat ng galit at puot sa aking puso. Napaka walang-hiya niya talaga! Napaka walang-hiya. “Napaka sama mo, talaga Travis, hinding-hindi kita mapapatawad. Napaka sama mo. Hayop ka, hayo——-“
“f**k it!” Malakas niyang bulyaw na mapa ungol na lang ako na hinigit pa lalo ako palapit sakanya kaya’t tumama na lang ang katawan ko. Tumitig ako sa mata niya ngayon na ngayon umaapoy na sa galit. Wala akong naramdaman na anumang init at sensasyon sa pag dikit ng katawan namin kundi matinding kilabot para sa sarili ko.
Ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa. “You might forget Clarisse, your parents sold you from me and there’s nothing you can do about it. Whether you like it or not, you will follow my f*****g rules and everything I want. You are mine only, sweetheart. Only mine.” Lumitaw na lang ang mala demonyong ngisi sa kanyang labi, hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin na binalibag niya ako pahiga sa kama.
“Ahh.” Daing ko na lang at inayos ko ang magulo kong buhok sabay umayos nang pag kakaupo sa kama. Tumindi pa lalo ang takot at lakas ng pintig ng aking puso na naka tingin ngayon kay Travis, puno ng pag pag aapoy ng pag nanasa ang kanyang mga mata kong paano niya ako titigan.
Nakaka kilabot.
Nakaka takot.
Ngayon ko pa lang nakita ang mga matang iyon na kahit ako mismo, kinikilabutan.
Mangiyak-ngiyak ako sa takot na dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi na maipaliwanag ang matinding kaba at takot ang nanalaytay sa aking katawan na palapit na siya nang palapit.
Para siyang halimaw, na hagok na hagok sa laman na sasakmalin niya ako.
“A-Anong gagawin mo? D-Diyan ka lang, huwag kang lalapit.” Ngayon lamang ako dinapuan ng matinding takot, sa pag iiba ng mukha ni Travis.
Ang tapang sa aking dibdib bigla na lang nawala at napalitan iyon ng pangamba at hilakbot na hindi ko maipaliwanag. Aligaga at naging malilikot na ang mata ko, hindi alam ang gagawin na tumingin sa kaliwa’t-kanan ko nag hahanap ng tyempo na maka alis.
Nag hahanap ng pag kakataon na maka takas pero wala akong matakbuhan.
Mariin na lang akong napa lunok ng laway at ginalaw ko na lang ang sarili ko paatras palayo sakanya, na mamasa-masa na lang ang mata ko. “Ang sabi ko, diyan ka lang. Huwag kang lalapit sa akin.” Banta ko ngunit nagimbal pa lalo ang puso ko na paakyat na siya sa kama. “N-No, no, ahhh!” Malakas kong sigaw na hinawakan ni Travis ang binti ko at hinila palapit sakanya.
“Ahh!” Palahaw ko na malakas na iyak, na pinaharap at pumaibabaw siya sa akin. Kahit nanginginig na ako sa takot, ginamit ko ang huling lakas ko na pinag hahampas ko siya nang paulit-ulit. “N-No, lumayo ka sa akin! Lumayo ka! Ayaw ko sa’yo!” Patuloy ko na lang na pag sigaw na tinutulak ko lang si Travis paalis sa ibabaw ko ngunit may kong anong pwersa na hindi ko siya maalis.
Mistula na siyang nakaka takot na nilalang sa harapan ko at nag hina pa ako nang husto na hinawakan niya mahuli niya ang mag kabila kong pulsuhan. Tuluyan na akong pinag hinaan, na alam kong wala na akong takas pa sakanya. “Lumayo ka sa akin, lumayo k——unmp.” Hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko na sinunggaban niya na ako ng mainit na halik sa labi.
Namilog na lang ang mata ko kasabay na lang ang pag agos ng luha sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Nag patuloy na mag landas ang mainit na halik ni Travis, patuloy akong hinahalikan na marahas at wala akong nararamdaman na pag iingat doon.
Tama na.
Tama na,
Ayaw ko na.
Sigaw naman ng utak ko.
Pilit akong nag pupumiglas, na makawala sa kanyang pag kakahawak ngunit parang nawalan na ako ng lakas.
Nawalan na ako ng tapang.
Naramdaman ko na lang ang mainit at malambot na labi ni Travis, nag sawang pinag hahalikan ako na tanging hikbi lang ang maisagot ko.
Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko na pigil-pigil niya pa rin na gusto ko siyang saktan.
Gusto kong bugbogin pero wala akong magawa.
Nang mag sawa na ang mainit na halik ni Travis sa labi ko, papunta na iyon papunta sa pisngi ko at papunta sa panga. Dumaosdos na mapunta sa aking leeg na mag palakas pa lalo ng hagolhol ko. “T-Tama na, tama na.” Basag ko na lang na pag mamakaawa, na nag pupumiglas akong maka alis subalit sobrang diin ang pag kakahawak niya sa pusluhan ko na hindi ko maigalaw ang katawan ko. “Ayaw ko, T-Travis, ayaw ko. Tama na ito.” Impit na pag iyak, nararamdaman ko na ang mainit niyang pag halik at mainit na pag dila sa leeg ko, hagok na hagok na parang halimaw na nag sasawang tikman ang balat ko.
Pinikit ko na lang ang aking mga mata at para bang may naka dagan na mabigat na bagay sa dibdib ko, na kay hirap akong maka hingga ng sandaling iyon.
Ilang beses ako nag makaawa pero para bang hindi niya ako narinig. “Tama na, t-tama na. Ahh!” Basag kong tinig na patuloy pa rin niya akong hinahalikan.
Sa bawat pag tama ng mainit na halik at dila niya sa leeg ko na hinahalikan ako, wala akong nararamdaman na sensasyon at init kundi nangingibabaw pandidiri at kirot sa aking dibdib at tinatanong ko ang sarili ko.
Bakit?
Bakit kailangan ko pang maranasan ito?
Bakit kailangan ko pang maramdaman ito?
“Ayaw ko na Travis, tama na.” Impit ko na lang na iyak na mapa pikit pa lalo ako ng mata na maramdaman na lang na dumaosdos na bumaba ang mainit niyang palad sa hita ko at hinahaplos iyon.
Humahaplos at humihimas sa maseselan kong katawan na mag pakirot pa lalo ng aking puso. Iniling ko na lang ang ulo ko para ipahiwatig na tama na at itigil niya na ito ngunit nag patuloy pa rin siya. “Pakiusap, ayaw ko na.” Bumaba na lang ang mainit na palad ni Travis papunta sa aking puson, paakyat sa aking tyan hanggang matumbok nito ang pakay.
Hinawakan ni Travis ang kanan kong dibdib at minamasahe niya iyon, kahit naka suot ako ng uniforme nararamdaman ko pa rin na tumatama ang mainit niyang palad, na mag paiyak pa lalo sa akin.
Pinikit ko na lang ang mata ko dahil ayaw kong makita kong paano niya ako lapastanganin.
Ayaw kong panuorin kong paano niya ako pilitin sa bagay na ayaw ko.
Tila ba’y parang may naka bara sa aking lalamunan na napaka hirap sa akin humingga na patuloy na pinag lalaruan ang aking dibdib.
Naging experto ang kamay ni Travis, at pinag halong kirot at sakit na medyo dumiin ang pag mamasahe niya sa dibdib ko. Puno ng gigil at pangangailangan niyang minamasahe iyon samantala naman naka subsob pa ang mukha niya sa leeg ko at hinahalikan pa rin ako. “T-Tama na Travis, huwag mong gawin ito, nag mamakiusap ako sa’yo. Please—Ahhh!” Malakas kong palaway na pag iyak na walang ano-ano marahas na sinira niya na lang ang suot kong damit, na walang kahirap-hirap.
Nanlabo na ang aking mata sa walang humpay na pag iyak na ngayon tumambad na sakanya ang suot kong bra at ang aking katawan. “Tama na, tama na. Ayaw ko na ahh!” Parang batang pag mamakaawa ko at tahimik akong humihikbi at nag darasal na sana matapos na ito.
Ramdam ko na lang ang paninigas ng katawan ni Travis sa ibabaw ko, parang naging slow-motion na umanggat siya ng tingin at mag tagpo ang mata namin. Nabahiran ng luha ang aking pisngi at tumitig sakanya, nag mamakaawa na tumigil na siya.
Ang nag aapoy na mga mata niya na pag nanasa, bigla na lang nag laho at napalitan ng takot na hindi ko maipaliwanag.
Ilang segundong naka tingin sa akin si Travis, napapasong napa bitaw sa pag kakahawak sa pulsuhan ko at dali-daling umalis sa ibabaw ko.
“Ohh s**t!” Matinis niya na lang na mura na pinikit ko na lang ng mariin ang aking mata kasabay ang tahimik na pag iyak.
Wala na akong lakas na bumangon at kumilos at nasa harapan ko lang si Travis naka tayo at pinapanuod ako.
“Damn it!” Matinis niyang mura at iritable na sinuklay ang buhok gamit ang palad.
Uyam na nag tagis ang kanyang panga at walang pasabi na nag martsa na lang palabas ng silid.
Narinig ko na lang ang mabibigat na yabag ng kanyang paa at pabalang niyang sinarhan ang pintuan, na maka gawa iyon ng malakas at nakaka hindik na tunog na nag pakirot ng aking puso.
Nanginig na niyakap ko na lang ang katawan ko at kasabay no’n ang pag agos ng luha sa mga mata ko.
Ayaw ko.
Ayaw ko na dito.
Ate Erisse?
Asan kana?
Kailangan kita ngayon./