ROLE 26: The Briber ni Maj si Emer matapos magbihis para sabay na silang pumunta sa MJ ngunit nakita niyang mukang hindi pa ito aalis. "May shoot uli kami ng one pm kaya aalis ako ng ten." Paliwanag ni Emer. "Anong oras ka uuwi?" "eight or nine, I guess." "Susunduin kita mamaya." "What? No! I mean, mapapagod ka lang." "Don't worry, I insist." "Sasabay na lang ako kay Dino o kaya naman sa ibang mga trainees na extra mamaya." "Kaya nga pupunta ako para ma-check na rin yung iba." Kumunot ang nuo ni Maj. "Bakit ayaw mo akong papuntahin?" "Hindi naman sa ayaw." Tumingin si Emer sa wall clock. "It's already eight! Go now or else you'll be late." Napailing na lang si Maj at iniwan na si Emer. Umayaw man ang babae, pupunta pa rin siya mamaya. <3 Malapit na maayos ni Maj ang mga gu