ROLE 9: Volunteer
Bumili na naman tuloy ako ng soda para kay Maj Chavez bago nakapunta sa acting workshop. Nagpakilala ako sa harap nila saka ako pina-upo sa sahig. Nakaupo rin naman yung iba sa sahig pero nakasuot sila ng sportswear. Tinitingnan nila ako na parang may ginawa kong kasalanan at may nakakadiri akong suot.
Hindi ko na lang sila pinansin at nag-focus sa tinuturo ng trainer. Buong workshop nakapikit lang kami at nag-iimagine. Yes, ganoon daw ang ginagawa para ma-set ang moods at ma-internalize ang senario. Pag gumagawa ang trainer ng senario, may naririnig akong mga umiiyak pag malungkot. Pag naman nakakainis sumisigaw sila. Napapasilip tuloy ako para tingnan yung mga ibang trainees. Kahit lalake umiiyak. What the! Kailangan ko rin bang umiyak?
"Now, let's imagine your family, " Sabi ng trainer. "Nasa loob kayo ng tahanan ninyo. Magkakasama kayo at magkakausap."
Inisip ko rin yung sinabi ng trainer. I'm inside our mansion, with mom, dad, Ate Glyn, Kuya Nikki and the mistress. I snorted.
"Nagtatawanan kayo at nagkukwentuhan ng mga nangyari sa inyo."
That would be interesting. All of my family member talking? Funny.
"Then someone entered and pointed the gun to you."
I heard gasp inside the room. Sumilip ako at nakita kong gulat lahat ng expression ng mukha nila. May ibang takot na takot.
"Sumigaw sa takot ang ilaw ng tahanan samantalang hinarangan ka ng haligi ng tahanan. Sinabi niyang 'ako na lang, wag sila.'"
May mga nagsigawan at tinatawag nila yung mga parents nila. Ako ba? Ano ang ire-react ko sa pangyayaring? Matatakot din siguro si Mommy pero hindi niya ako poprotektahan. And my Daddy? No, his life is the most important life for him. Yung lalaking may hawak na baril, naiisip kong binayaran siya ni Daddy para gawin ito. Imposible namang may makapasok sa bahay namin kung may mga guards sa labas. Siguro ang gagawin ko, hahawiin ko si Dad sa harap ko. Matatawa at sasabihing: "Tama na ang pagpapangap. Alam ko namang binayaran mo yan para mag ala-knight and shining armor ka sa harap namin. I know you to well and I'm sick of your game!"
Umuusok ata yung ilong ko sa na-iimagine ko. Idinilat ko na ang mata ko ng makalimutan ko na si Dad. Kaso lang ng idilat ko yung mata ko lahat sila na nasa room nakatingin sa akin na gulat na gulat.
Napalakas ba yung sinabi ko?
"Uhm, I guess it's already time for break. See you next time." Umalis na yung trainer namin pero yung mga tingin ng nasa paligid ko hindi pa rin umaalis sa akin.
"Crazy." A girl with a fake blonde hair murttered. She rolled her eyes, started to grab her things and went out.
Ganoon din ang ginawa ng iba kaya ginaya ko na lang sila. Kailangan ko pang puntahan si Maj Chavez para tanungin ang schedule ko at para na rin alilain. Well, I hate being his personal maid but I'm glad that I can pay for my stay in his house. Ayokong tawagin niya akong free loader.
Papalabas na ako ng room ng may tumapik sa balikat ko. "Hey!" Bati niya sa akin ng magkaharap kami. He's a guy. A handsome guy I must say but he looks too young and too jerk for me. Not really my type.
"Hello?"
"I'm Wendel Valdez." Pakilala niya sa akin.
"Emer Bernalez," Sagot ko sa kaniya.
"Nice name."
I refrained myself from glaring. Nice name mo mukha mo! Hindi ko na siya kinausap. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Yun nga lang sinusundan niya ako. So, naisip ko na lang na gamitin siya para magtanong. "Anyway, alam mo ba ang schedule ng mga trainees?"
"For beginners, lunch break tapos voice lesson. Wala ka pa bang schedule?"
"Wala pa. Kaka-sign ko lang ng contract."
"Advice ko lang, always wear sportswear, sweatpants, t-shirt, or training gear. Hindi kasi," He looked at me. "suitable yung dress para sa training."
Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga co-trainees ko kanina. "Thanks for the advice." Sabi ko sa kaniya. Kahit papano eh nabago ang bad first impression ko sa kaniya.
"Gusto mong sumabay na mag lunch para sabay na tayong pumunta sa voice lesson class natin?" He offered.
"Hindi na. May kailangan pa kasi akong ayusin sa contract ko." I lied. "Thank you and see you later." I gave him a smile before walking. I saw some of the other trainees looking at me like I have two heads or something. Bahala na nga sila.
Pagkarating ko sa tapat ng office ni Maj Chavez, kumatok muna ako bago pumasok. May narinig kasi akong may kausap si Maj sa loob. Pagpasok ko nakita ko si Rolando Vergel na nakaupo sa guest chair ni Maj.
"EMER!" Malakas na pagtawag sa akin ni Maj ng makita ako. May mali sa kaniya.
Napalingon tuloy si Director Rolando Vergel sa akin. May mga hawak siyang papel at mukhang may meeting sila ni Maj Chavez.
"Ano sa tingin mo Maj?" Pagbabalik ni Direk Rolando sa usaan nila pero si Maj nakatingin pa rin sa akin na parang nanghihingi ng tulong. "Kailangan ko na talaga ng actress para sa role ni Segunda."
Para namang pumagting yung tenga ko sa narinig. Kaagad akong sumali sa usapan nila. "Ako!" Pag-volunteer ko.
Tiningnan uli ako ng director mula ulo hanggang paa. "Sino ka ba?" Pagtataray-- wait, nagtataray siya sa akin!
"Bago siyang trainee ng MJ Ent." Sabat ni Maj. "S-she can be Segunda."
I'm shocked! Sinabi ni Maj Chavez yun?
"Are you sure you're giving me a new actress for this? Baka magkalat lang 'yan."
"I'm not. I'll do my best to portray my role." Sagot ko.
"Wait, naaalala kita. Ikaw yung," Tiningnan niya muna si Maj. "siya yung karate girl? Hindi ba ayaw na ayaw ni Rex sa kaniya?"
Wait, who's Rex? Siya ba yung mukhang pedo noong audition? Siya ba ang dahilan kung bakit ako hindi nakapasa sa audition?
"S-she's good." Alanganing sagot ni Maj.
"Okay, if you said so." Tumayo na si Direk Rolando kaya napatayo din si Maj. "Siya si.."
"Emer Bernalez," Sagot ni Maj.
"Okay, Emer Bernalez will be Segunda." Tiningnan niya uli ako bago humarap uli kay Maj. Lumapit siya dito at niyakap. "Bye for now." He winked then walked out.
Napanganga lang ako sa nasaksihan ko. Oh my gosh!
"What?" Maj snapped me.
"Siya?" Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Anong siya?"
"Ang boyfriend mo?" Pabulong kong sabi.
"What the fvk are you talking about?"
Nagulat naman ako sa pagmumura niya. "Okay! Wala naman akong pagsasabihan. I'm loyal to my master."
"Shut up Emer." Umupo siya sa upuan niya na parang pagod na pagod.
"I need my schedule." Sabi ko.
"Please, pagpahingahin mo muna ako." Nakapikit lang siya.
"Ano bang ginawa ninyo ni Direk---"
"Emer, please?" Nakikiusap niyang sabi. Nanahimik na lang ako at hinintay kong kumalma siya. "I think I need to go home for now."
"S-sandali, yung schedule ko? Saan ko ba makukuha--"
"You know how to drive?" He asked me without finishing what I'm saying.
"Yes, and how can I get my schedule? I' trying my best here to become a--"
"As my personal maid you have to drive me home." Dumilat siya at umupo ng maayos. Binuksan niya yung drawer at kinuha ang susi para ibigay sa akin.
"Pano yung voice--"
"Hindi mo ba narinig yung sinabi kanina ni Rolando? Magkakaroon ka na ng role sa isang movie. Is that what you want, right?"
Oo pero.. Bahala na nga. Kinuha ko yung susi sa kamay niya at nauna nang lumabas. Lakad lang ako ng lakad papuntang elevator.
"Saan ka pupunta? Dito ang daan." Tinuro ni Maj Chavez yung fire exit.
Fine, fire exit then.
Pagkarating namin sa parking lot nakita ko yung kotse niya. Iba yun sa ginamit niya ng iuwi niya ako sa bahay niya.
"What happen to the other car?" I asked.
"Yung Civic? Nasa bahay."
Hindi ko napansin kanina yun. Hindi ko nga napansin na may dalawa pala siyang sasakyan. And this one, this car is way much cooler. Hyundai Genesis! My dad gave my brother a car like this when he passed the bar exam. Sabi ni Kuya, bawal daw ipahiram kahit kanino yun even if the girl you love wants to drive it.
"Hindi mo pa ba bubukasan?" Tanong ni Maj Chevez na naghihintay na sa shutgun side ng sasakyan para buksan ko yung lock.
"Are you sure you'll let me drive this?"
"Akin na ang susi kung hindi mo--"
"No!" I unlocked the door and sat on the driver side. Oh my gosh! This is like a dream come true! Inilibot ko muna ang tingin ko sa paligid ng sasakyan.
"You like it?" Maj asked.
"Yes! Gosh! I wish my dad--" I stopped when I'm about to talk about my dad. Seriously, I'm thinking alot about him today.
Pinaandar ko na ang engine. Tunog pa lang musika na. "Here we go, baby." I said before stepping on the gas pedal. I heard Maj chuckled beside me but I'm too busy listening to the music of Genesis engine.