ROLE 11: Bedmate

1270 Words
ROLE 11: Bedmate Weekdays ended. Halos hindi kami nakakapag-usap ni Maj. Super busy niya kaya wala na siyang time para pagtripan ako as a personal maid. Well, I'm busy as well attending my workshop and my first ever script reading with the cast of La Guardia. Ang baho ng title pero dahil si Rolando Vergel ang director, malaki ang pag-asang maging box-office hit ito. What good happened that day is I rode with Dino del Roy going to that said script reading. Isinabay niya na lang ako tutal naman daw pareho kami ng pupuntahan. Napag-alaman kong siya ang gaganap na spy ng bida sa movie. Aside from that, I learned that we're same age, we love eating Italian food, he's funny and very passionate in acting. Hindi na ako magtataka sa acting skills niya. Magaling talaga siya. "Dito ka na umupo." Sabi niya sa akin ng makarating kami sa conference room. Ang saya lang na makakatabi ko yung crush ko sa una kong work as an actress. Parang nasa cloud nine ako ng makita ko yung buong cast. Mga kilalang artista lahat sila. Ako lang ata ang hindi. Anyway, kailangan ko lang patunayan na talented din ako. So, I pulled out my best when it's time for my little line to speak. Thankfully, I didn't mess it up like what I did during my audition. After that I got to talked to the other artist. Hannah, the lead actress talked to me like we know each other for a long time. She also gave me some advice and she said that I should treat her as a friend because we're practically spending months for this movie. I also got to talked with some supporting actors and actresses before Dino del Roy asked me if I want to get back to MJ together. "Oo naman. Thanks for the free ride." Sabi ko sa kaniya ng nakangiti. "May kapalit yan." Sabi niya na nakangisi. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "A dinner or a lunch will do." Sabi niya. Oh gosh! Did I just asked for a date? "Sure why not." I tried not to hyperventilate with happiness. So that's what happen Friday afternoon until I went back to MJ and received a text coming from Maj Chavez that I should go to his office. Parang himala lang na naalala niya ako kasi kahit sa bahay niya parang hindi ako nag-eexist. Well, para din naman siyang hindi nag-eexist sa bahay niya kasi lagi siyang wala. Anyway, pagkarating ko sa office niya kaagad naman niyang sinabing: "Undertime tayo. Kailangan na natin umalis." "Huh? Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong. Four pa lang ng hapon at kailangan na naming umalis papunta... saan? "You forgot?" He asked as if he can see me with two heads. "Tommorow is my sister's wedding." "Oh," Yan na lang ang nasabi ko ng mag-sink in sa aking alaala na.. "Wait! Hindi ko alam na bukas na pala yung kasal. Alam ko lang next week at hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko." Yung mga pinamili namin last time nasa paperbags pa. "Now you know and we should get home faster so you can prepare." That sucks! Pagdating sa bahay niya, para akong trumpong naggagahol sa oras para maka-alis kami before six in the evening. Aabutin daw kasi ng three to four hours ang byahe. Basta ko na lang pinagtatangal yung mga luma kong damit sa maleta ko (sa kama ko na lang nilagay) at pinaglalagay yung mga pinamili namin last time at iba pang travel necessities nang bigla na lang dumungaw si Maj sa pinutan ng kwarto ko (guest room niya). "What?" I asked. "Bring," He hesitated. "Uhm, swimsuit." Bago ko pa matanong kung bakit kailangan ng swimsuit, umalis na siya. Urgh! Asan na ba ang swimsuit ko? "Bilisan mo na Emer!" Sigaw niya kahit nakita na niya ako na pababa. Pang-asar lang. Tapos nakita ko pa si Thunder. Gosh! How can I forgot about him? Niyakap ko siya kaagad. "Thunder, aalis muna ako ah? Si Manang," Tiningnan ko si Manang na nakatingin din sa akin. "na muna ang bahala sayo ah?" Close naman na sila kaya wala akong problema. "Kumain ka ng maayos at wag mo papahirapan si Manang. Makinig ka huh? Bye." Pagkalabas ko ng front door nakita ko si Maj na nakangisi na naman. "What?" "You're talking to your dog like he can understand you; like he's your child." He said with amusement. "Well, Mr Maj Chavez, Ako na ang nagpalaki sa kaniya kaya parang anak ko na rin siya. At nakakaintindi ang aso, noh!" Inirapan ko na lang siya at ako na mismo ang naglagay ng maleta ko sa compartment ng sasakyan niya. Ang ayoko sa lahat eh yung pinagtatawanan at inaapi si Thunder ko. Sa byahe tahimik lang kami. Wala na rin ako sa mood makipagkulitan kaya tinulugan ko na lang siya. <3 Nagising ako ng yugyugin ako ni Maj. As in yugyog na halos maputol yung leeg ko. Nang makita niyang may malay na ako, tumigil na rin siya. "Ang hirap mo gisingin. Nandito na tayo." Napatingin ako sa paligid. May building lang na around five to seven floor ang taas tapos puro naka-park na na sasakyan sa paligid namin. Bumaba ako sa sasakyan na halos wala pa sa sarili pero nagawa ko namang sundan si Maj sa lobby. Sumalubong kaagad sa amin si Jillian. I'm sure it's her not her twin Julian. Mas mahinhin kasi ito at may soft na expression lagi. "Oh, finally you two are here!" At laging may 'Oh' pag nagsasalita siya. Sure akong mother siya ni Maj. Niyakap niya kaming dalawa ni Maj at tinanong kung gusto ba naming kumain muna o magpahinga na. Mas pinili namin ni Maj ang magpahinga na lang. Nakakapagod din ang byahe kahit tulog ako buong byahe. I know pagod si Maj Chavez dahil gising siya at nagda-drive ng ilang oras. Kinuha ni Jillian yung susi sa lobby at binigay kay Maj. Naghihintay akong bigyan niya rin ako pero wala. "One room for the two of us?" Maj asked. "Oh, alam mo namang malaki ang angkan natin at nandito yung mga kaalyado sa pulitika ng mapapangasawa ng kapatid mo. Saka, magkasama na kayong nakatira sa iisang bahay tapos gusto niyo pa ng hiwalay na kwarto? At alam na ng buong angkan kaya wag ka na mag-alala." Tinapik niya yung braso ni Maj na kala mo hindi big deal ang iisang kwarto lang kami ni Maj. Iisang room?! Really? Is this a cliché story? "Make sense." Maj murmured which I pretty much sure that I'm the only one who heard it. "I'm tired, so Mom, we're going to our room now." Iniwan na namin si Jillian at umakyat na sa pang third floor ng hotel. Pagkabukas ng pinto napa-ungol sa inis si Maj. Lalo na ng makita yung one queen bed. Iisa lang talaga! I'm too tired to protest. Pagkahiga ni Maj sa left side doon naman ako humiga sa right side. "Uhm, sa sahig na lang ako." Sabi niya na nakapikit na sa kinahihigaan niya. Pagod na pagod "Ako na lang. Tatawag ako sa room service para sa extra bed." Patayo na sana ako ng hawakan niya yung kamay ko. "Are you kidding me? Pag nalaman ni Mama na--" "Okay dito na lang ako matutulog sa tabi mo." Nakita kong nagulat siya. Napabitaw siya sa kamay ko at akmang babangon. "Don't tell me natatakot ka? Hindi ako interested sa gay noh!" I snorted. "I'm not! You know, you're so flirty." "Okay, paminta," Kinuha ko yung unan para ilagay sa pagitan namin. "stay on your side." Tumalikod na ako sa kaniya para makatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD