ROLE 18: Movie Watcher
Ilang araw din akong usap-usapan ng mga co-trainees ko dahil sa ginawa ni Maj Chavez. Now they knew that I'm his girlfriend. Isusumbat ko sana yan kay Maj pero dahil binigyan niya ako ng flowers, chocolate, movie tickets at sinasamahan niya kami ni Thunder for three days dinner, hindi ko na nagawang magalit. I'm such a forgiving girlfriend. I'm very proud of myself.
What changes now is that a lot of my co-trainees want to befriend me. Seryoso ganiyan sila ka-pathetic, porque ako na ngayon ang girlfriend ng may-ari ng MJ ganiyan na sila. Mga sipsip. Anyway, I don't care much unless I heard bad things about me, like right now. Pauwi na ako ng marinig ko yung usapan ng nasa harapan ko.
"Ginagamit niya lang si Sir Maj para sumikat."
Yung ganiyang bulungan? Nakaka-init ng ulo. Tama naman sila pero hindi lang naman ako ang nag be-benifit dito. Maski si Maj Chavez, nakakakuha rin ng benifit sa akin.
Para tumigil na sila sa pag-uusap tungkol sa akin, dumaan ako mismo sa gitna nila. Pagkalampas ko lumingon uli ako. "Bye, girls!"
So eto ako ngayon papunta sa mall para manuod ng sine. Niyaya ko si Maj kaso lang may emergency meeting daw siya ngayon. Sabi niya hahabol siya kung makakaya niya. I doubt it. I don't bothered asking my friends. I don't want them asking me how I was and I don't want to talk to Clary. I know she will talk about her and Antony whatever sh--erlock they did. I want to watch with Thunder but you know, he's a dog. Hayy.. I'm pityful.
So I went alone, bought popcorn for one person, fell in line with no one to talked to.
"Emery!"
Natulala na lang ako sa bagong dating. Sa lahat ba naman ng taong makakasalubong ko, bakit sila pa? "Clary! Anthony!" I gave them my sweetest smile.
"Sinong kasama mo?" She asked then she gasped. "Don't tell me you're watching alone?"
Why, Clary? Why do you always ask the exact questions I don't want you to ask?
"Uhm, ahh.. I'm.. Yeah, I'll watch alone. It's part of my training. Alam mo na, observing the overall package of the movie." I thank my brain for working faster making up story. Hindi naman pagsisinungaling yun di ba? Kailangan ko naman talaga sa pagiging artista 'to di ba?
"Is that so? Great 'cause Anthony and I are watching too. Can we just watch together?" Tinanong pa ni Clary sa akin kahit na sumingit na siya sa pila sa harap ko. Daldal lang siya ng daldal habang naiilang naman ako sa pagtitig ni Anthony sa akin.
Buti na lang nag-open na yung cinema kaya nakapasok na kami. Sa center-upper box kami umupo para mas maganda ang angle ng screen. What I hate with his arrangement is that in my right side, their's no one sitting beside me, while on my left side I'm next to Anthony. Pinapagitnaan namin si Anothoy.
What the! Kung nasa katinuan akong fiancee at kaibigan, uupo ako sa gitna nila. But this is Clary, weird and loud and stupid Clary.
The movie started and I can't concentrate when Anthony's hand rest on my thigh. Really, my thigh, not his fiancee's thigh! I grabbed his hand and forcefully shoved his hand away from me. But Anthony caught my hand hold it tightly.
I'm confused to the point that I can't even hold my tears. Okay, I'm crying because this jerk named Anthony is my first ever boyfriend and he said that he loves Clary but here he is, holding my hand. I must say that I'm the third party. Sila na ni Clary ng maging kami ni Anthony. Sabi niya hihiwalayan niya itong si Clary kasi mahal na mahal niya raw ako. On and off din ang relasyon namin ni Anthony dahil nga sa issue kay Clary at sa dahilan na rin na nagiingat kaming wag mahuli. Masisisi niyo ba ako sa pagiging mistress ko kung mahal na mahal ko yung lalake? And his my first ever love. But I got tired of this lately, so I broke up with him but he said he want me and promised that he'll break up with Clary and he'll come back for me. Well, ako itong si asa at naniwala sa sinabi niya. Pero eto hindi niya pa rin hiniwalayan si Clary at lagang inalok niya pa para maging asawa niya. Sabi niya sa akin noong hli kaming nagkita na hindi niya na ako mahal pero... Eto ang nangyayari, siya na hawak ang kamay ko habang katabi ang fiancee niya. Hindi girlfriend kundi FIANCEE! And my friend. I'm such a bad friend.
Ring!
Nagulat ako sa pagtunog ng cellphone ko. Maski si Anthony kaya napabitaw siya sa akin.
"Emery," Clary hissed. "Cinema. Silent."
I rolled my eyes to her (kahit hindi niya nakikita) and answered the phone. "Hello?" Pabulong kong sagot.
"Anong cinema ka?" Boses ni Maj yun kaya kahit hindi ko nakita yung caller ID. Alam ko na kung sino kausap ko.
"Huh? Five. Bakit?"
"The Love and The Sick? Rom-com?" Dabi niya na hindi makapaniwala.
"Dahil ako lang naman mag-isa ang manunuod, pinili ko na lang yung love story." Pabulong ko pa ring sagot.
"Nevermind. Saan ka naka-upo?"
"Bakit ba?"
"Shh!" Pagpapatahimik ng mga ibang nanunuod lalo na si Clary.
"Maj, no phone inside the cinema, right? I'm ending the--"
"Wait! I'm here! Saan ka ba nakaupo para mahanap kita?"
Naalarma ako. Nandito si Maj?! "Upper box, center, fifth row." Pagkasabi ko noon may nakita na akong naglalakad na silhouette. Hindi ako sure kung siya ba yun kaya hindi ko tinawag hanggat hindi pa nakakatapat sa akin. Noong ma-sure ko na siya yun, hinila ko yung coat niya.
"Oh, nag-reserve ka pa talaga ng seat para sa akin." He whispered playfully.
"Asa! Wala lang talagang nakaupo dyan."
"Emery!" Clary hissed again. I'm trying to watch so please--" Natigilan siya ng maaninag niya si Maj.
"Hi!" Bumati si Maj kay Clary tapos may binulong sa akin. "May mga kasama ka pala."
'mga' ang sabi niya so he figured out that the guy beside me is with me-- Anthony.
"Hello, uhm, you're friends with Emery?" Clary asked.
"Sshhh!" May mga nag-hush na naman sa amin kaya hindi na kami kinausap ni Clary.
"The Love and The Sick, huh and you're crying." Bulong ni Maj bago umupo ng maayos at dumukot ng popcorn sa popcorn box ko.
"I'm not crying." Romantic comedy ang palabas, bakita ko iiyak?
"I can see it Emer."
Pinunasan ko kaagad yung pisngi ko. May luha nga. Geez!
Hindi ko na rin siya kinausap ng maayos at pinilit na mag-focus sa panunuod at pagkain ng mabilis sa popcorn ko para hindi ako maubusan ni Maj ng biglang may bumulong sa right side ko. "I have to talk to you. Near restroom. Now."
Nag loading pa sa isip ko yung sinabi ni Anthony na hindi ko namalayang umalis na pala siya. Ibinigay ko kay Maj yung popcorn ko. "Wag mong uubusin. CR lang ako."
Pagkarating ko sa may CR sa loob ng sine may bigla na lang humila sa akin papasok sa men's room at sa isang cubicle. Inaasahan ko na kung sino yun.
"Anong gusto mong sabihin?" I gulped twice to calm myself.
"Emer, I.." Nahilamos niya ang mukha niya ng kamay niya.
"Kung wala kang sasabihin aalis na ako."
"Wait, Emer, I still love you. I'm sorry sa sinabi ko last time pero.."
"Anthony,"
"I'm confused. I want to break up with her but I can't. She have me in her hand."
I processed on my head what he just said. It's... Sorry for profanity but it's s**t. s**t! I want him but I don't want a weak guy. Ilang beses na ba niyang sinabi 'to? Hihiwalayan niya raw si Clary pero hanggang ngayon sila pa rin at malapit na ikasal. Pano na lang niyan? Hanggang sa mag-asawa at magka-anak sila, mistress pa rin ako?
"I swear, I'm breaking up with her. I don't want to marry her."
Pero nangako siya. Nangako na siyang hihiwalayan si Clary.
Ring!
Natigil ang moment namin ng tumunog na naman yung cellphone ko. Dinukot ko sa bulsa ko yung cellphone at nabasa ko ang caller ID. Maj Chavez.
Oh... s**t!
"Who's that?" Tanong ni Anthony ng mapansin niyang napatagal ang tingin ko sa cellphone ko.
Umiling ako. Umiling ako hindi dahil ayokong sabihin kumg sino ang tumawag kundi dahil sa nahimasmasan ako. Again, napapaikot na naman ako ng lalaking ito sa love spell niya. Ilang beses na ba niya akong sinasaktan at sinasabihan ng kung ano-ano? Tapos gusto ko pa rin siyang tanggapin? And I forgot I have a boyfriend. Kung makikipagbalikan ako kay Anthony, hindi lang si Clary ang lolokohin namin kundi pati na rin si Maj Chavez.
"What?" Nagtatakang tanong ni Anthony.
"I'm sorry. It's time for you to hear a rejection from me."
"What? Emer, kilala kita. Hindi mo ako madadaan sa tough facade mo. Alam kong sinasabi mo lang yan para hindi ka mapahiya. Kagaya rin ito ng sinabi mo last time."
"N-no," This is what I hate, he knows me. "It's final. This is over." This is for the better.
"You've got to be kidding me! You love me don't you?"
"I loved you and I'm tired."
"Emer.."
Tumunog na naman yung cellphone ko.
"And my boyfriend is waiting for me. I gotta go."
"Boyfriend?" Mas lalo siyang hindi makapaniwala. Akala mo sinampal ko siya ng paulit-ulit sa sinabi ko.
"Yup!" I said cheerfully. Oh my gosh! Me having a boyfriend is a big slap to him!
"Very funny, Emer. Walang manini-"
"The guy who just came and sat beside me earlier? That's my boyfriend." I smiled and walked away.
Gosh! Gumaan pakiramdam ko doon ah. Feeling ko nakaganti ako. Feeling ko nagawa ko na ang dapat kong gawin para patunayan ang sarili ko.
"Ang tagal mo sa CR." Sabi ni Maj pagkarating ko.
"Mahaba pila." I smiled at him and snatched back my popcorn.