ROLE 14: Daughter
Wedding is such a magical event. It's when two individuals become one.
For me this wedding is really magical—a dark magic to be exact. Alam niyo yung bigla na lang may bumukas na portal tapos lumabas doon yung king of demons? Yeah, that's what I feel when this man walk in the aisle. Nang magkatama yung paningin namin akala ko katapusan ko na.
"Emer, ikaw na!" One of the bridesmaids elbowed me. Saka ko lang narealize na kami na pala ni Maj Chavez ang magsasabit ng cord.
Nagmamadali akong umakyat sa altar para tulungan si Maj. I tried to smile and act normal but I'm shaking too much that Maj Chavez glanced at me with worried looks. I shook my head giving him the impression that I'm okay. Yet, I can see him giving me a talk-to-me-later-look.
After the wedding may pictorial pa. Todo iwas ko na pagkatapos na pagkatapos ng pictorial ng lahat ng bridesmaids, nagmamadali na akong umalis.
"Emer!"
Na-estatwa na lang ako ng marinig ko ang boses niya. Parang ako lang si Thunder na pagsinabing 'statue', hihinto na lang.
"Look at my beautiful daughter." He smiled but I know that smile. That fake scary smile that my dad usually pulled when things are not in his control. He can't control me.
"Dad!" I smiled like him. "Look at you, you're getting old and who's that p********e beside you?"
Nakita kong sumama ang timpla niya lalo na yung babaeng kasama niya. Nawala na yung ngiti niya ng makalapit sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Madiin siyang sinabi. Hindi man kitang kita sa mukha niya na galit siya pero alam kong galit na galit nga siya!
"Masama bang nandito ako? At hindi mo ba na-miss ang anak mo?"
"Anak mo siya?!" Tanong ng babaeng kasama niya na puro kulay yung mukha. Sexy siya pero yung pagka-sexy niya laspag na. What the heck! How old is she? Parang ka-age ko lang siya pero mukhang losyang na.
"Anak ka ba ng daddy ko o p********e ka talaga?"
"Emer," Dad warned me. "Umalis ka na."
"Bakit ako aalis? Ikaw nag yung tumawag sa akin para kausapin ako at bridesmaid ako sa kasal na ito."
"Ninong ako ng kinasal."
"Wow! Pareho pala tayong mahalaga sa kasal na ito." I said sarcastically.
"Don't talk to me like that!" Napatingin siya sa paligid namin kung may nakakarinig. Malayo ang mga tao rito kaya bumalik ang tingin niya sa akin. "Did you forget that I'm your father?"
"Oh? Kala ko hindi na kita ama simula ng palayasin mo ako sa bahay--" Natigil at napapikit ako ng makita kong tumaas ang kamay niya at handa akong hampasin. Instead na makaramdam ako ng sapak, paghila ang naramdaman ko. Pagkadilat ko hindi na si dad at ang kamay niya ang nasaharap ko kundi isang likod.
"What's happening here?"
Boses ni Maj Chavez. Katulad kanina noong inaasar ko siyang gay ang tunog ng boses niya-- madiin at galit.
I found new confidence when Maj Chavez arrived. "This old man is trying to hurt me."
"Anong pinagsasabi mo?" Tanong kaagad ng tatay ko na kala mo inosente. "Emer, hindi ko sasaktan ang anak ko."
What the heck! Nakalimutan kong mas magaling na aktor ang magaling kong tatay.
"Anak?" Maj Chavez asked.
"He's crazy!" Napipikon na ako. Naiinis ako pag lagi na lang pinapalabas ng magaling kong ama na masama ako!
"Emer, anak, wag ka namang ganiyan." Lalapit sana siya pero umatras ako. "Sorry kung nasaktan kita pero--"
"Shut up! Shut up! Shut up! I don't want to hear your stupid acting. Your sorry, even it's for real... I will never accept it." Hinila ko na si Maj papalayo sa baliw na yun. Pagkapasok namin sa hotel binitawan ko si Maj tapos nagmamadali na akong pumasok sa kwarto. Sa kama kaagad ako sumubsob at doon ko nilabas ang sama ng loob ko.
Hindi ko alam kung kanino ako mas galit. Sa dad ko na walang kwenta at puro yaman lang ang inatupag o sa sarili ko na hinarap ko pa talaga siya kahit na alam kong sa huli ako rin ang masasaktan.
"Emer," I heard Maj approach me.
"Maj Chavez, wala ako sa mood makipag-kulitan." Pinigilan kong wag suminghot o humikbi. Ayokong makita niyang umiiyak ako. No one see me cry except for Thunder.
"You, crying?"
"Hindi! Naaantok lang ako."
"Si Governor Bernalez ba yun?"
"Maj Chavez!" Humagulgol na tuloy ako. Hindi ko na mapigilan. Nakakainis!
"You can tell me about him."
"Sabing wag mo akong pansinin! Umalis ka na nga."
Alam mo yung inis na insi ka na pero nangungulit pa rin.
"It's time for my payback, Emer. Tell me, who is he to you?"
Inangat ko yung ulo ko at nakita ko siya sa side ko na nakahiga at nakatingin sa akin.
"You know, you're the least person I would run to if I want to be comforted."
Tinawanan niya lang ako. "You're the least beautiful when you need to be comforted."
Hinampas ko siya. Napalakas ata kasi napasigaw siya. "Ayoko na nga. Pag kailangan mo pala ng comfort nananakit ka."
Umupo na ako at tiningnan siya ng masama. "Really, Maj Chavez? Really? Urgh! Wala kang kwentang magcomfort." Pupunta na sana ako sa CR ng pigilan niya ako. Umupo na siya sa kinahihigaan niya para tingnan ako.
Maya-maya pa inangat niya yung kamay niya at pinunasan yung mukha ko. "Para ka nang panda."
"Grr! Maj Chavez!" Kinuha ko yung unan at pinaghahampas siya. Tuwang tuwa naman siya kaya mas lalo akong nanggigigil.
"Oy! Tama na!" Hinila niya yung unan sa kamay ko at tinapon yun. Yung isang kamay naman niya pumulupot sa bewang ko kaya bumagsak ako sa ibabaw niya. Like what happen earlier. Reverse nga lang ngayon. "Confession time, what happen back there?"
"So every time na may confession time tayo dapat ganito kalapit?" Nawala na yung galit ko. Ngayon natutuwa na ako sa discomfort ni Maj Chavez sa ilalim ko. Binitawan na niya yung bewang ko at kala mo diring diri na makita akong nasa ibabaw niya.
"Just... Okay wag mo na sabihin." Tinutulak niya ako pero ayokong umalis.
I straddled him that made him shocked. "Payback time, Maj Chavez. Ako naman ang dadagan sayo."
"s**t! I lost! Just get away from me!"
"Okay!" Tumayo na ako. "Maghihilamos lang ako tapos bababa na tayo. Panigurado hinahanap na nila tayo."
"Are you okay? Sabihin ko na lang na masama ang pakiramdam mo."
"No! Haharapin ko si Dad."
"So siya pala talaga ang dad mo?"
I nodded. "But it's a secret. Not really a secret but please, don't talked about it to the others."
"Hindi ako chismoso." Pagbibiro niya.
"Oo nga pala paminta ka lang." Pagkasabi ko noon nagpunta na kaagad ako sa banyo. Panigurado asar na naman yun.
-------------<3
Short chapter pero maraming revelation at may nakakakilig na part na naman :)))
Votes + Comments= update kaagad!