Eleven

1463 Words
Eh, bakit ka ganyan makasagot sa akin? Ibang tao ba ang pinatuloy ko dito?" Habang naririnig ko ang mga litanya ni mama ay pinipigilan ko lang ang sarili ko na irapan siya. At ang tanong niya, kung ibang tao ba? Gusto ko siyang sagytin ng, Oo! Oo! Ibang tao naman talaga si Tito mar, dahil hindi ko naman siya kaano-ano! Pagkagaling sa boracay, stress agad ang sumalubong sa akin! Nadatnan ko sila mama at tito mar na naghahalikan sa aking maliit na sofa, habang ang apartment ko ay sobrang kalat, may mga foil pa sa gilid! Sa ilang taon kong paninirahan dito sa apartment ay ngayon ko lamang nakita ito na ganito karumi. "Alalahanin mo Kiwi, siya ang tumulong sa atin at siya ang dahilan kaya ka nakapag tapos ng pag aaral mo!" dagdag pa ni mama. Binaba ko ang gamit ko at hinarap siya. "Ma, ako ang nag paaral sa sarili ko, alam mo 'yan." umpisa ko. "Kaya anong sinasabi mo na tumulong siya sa akin para makapag tapos? Ni kunsing duling, mama, wala po siyang naiambag sa buhay ko!" hindi nakapagtimpi na sagot ko, dahil sawang sawa na ako na oalagi niya iyong sinusumbat sa akin na kesya si Tito mar ang dahilan kung bakit ako lumaki, kung bakit ako nabuhay? Like...ano?! Paano?! Nakita kong nabigla si mama dahil sa pag sagot ko. Inangat niya arin ang kanyang kamay kaya akala ko ay sasampalin niya ako pero hindi, inangat niya iyon para duruin ako. "Bastos ka." aniya. "Nagkatrabaho ka lang dito sa maynila yumabang ka na, ano ba ang ipinagmamalaki mo? Ang kakapiranggot na sinasahod mo?! Mas malakas pa rin kumita ang tito mar mo sayo, kahot nasa bahay lang siya!" Hindi makapaniwalang tinignan ko ang aking ina. Paano niya nasasabi ang mga 'yon? Ang lumalabas para sa kanya ay nakikipag kumpitensya pa ako sa kinakasama niya. Hindi niya nakuluha ang ipinupunto ko! "Ma, wala akong plano na tapatan ang kinikita ni Tito mar, ang akin lang ma, tigilan niyo na po ang pag tatanggol sa lalaki mo, mama, delikadong tao siya!" "Anong pi-nagsasabi mo diyan?" si mama na iniiwas na sa akin ang mga mata. Alam ko, dahil alam niya na alam ko ang mga gawain nila. At sa totoo niyan hindi naman nila 'yon tinatago. "Mama.." nanghihinang sabi ko. Dahil sa totoo lang, nasasaktan ako sa mga ginagawa ni mama sa sarili niya dahil lang sa lalaking 'yon. "Alam mong masama ang drugs diba?" "Kiwi, tumigil ka!" hiyaw na bulong niya at mabilis na sinara ang pintuan ko na para bang natatakot siyang may makarinig sa pinag uusapan naming dalawa. "Baka marinig ka nang tito mar mo!" "Ano naman po kung marinig niya?" tanong ko. Hinaplos ko ang mapayat ng mukha ni mama. Naalala ko pa, nung bata ako at hindi pa sila ni Tito mar, maganda si mama. Medyo malaman siya noon, Chubby, pero maganda siya. Maamo ang mukha. Pero simula nang maging sila ni Tito mar ay lumubog ang katawan ni mama. Namayat at lumosyang siya. "Mama..masama siyang tao," "Sshh! Hindi anak, mabait siya." aniya at inalis ang kamay kong nasa mukha niya. "Yung ginagawa namin, bonding lang namin 'yon, bonding lang." "Mama naman.." naiiyak ng sabi ko. Naiiyak ako dahil wala man lang pumapasok sa kay mama sa mga sinasabi ko. "Iiwan niya ako kapag hindi ko siya sinamahan sa pag-" "Edi mas mabuti po! Mas mabuting iwanan ka na lang niya!" sabi ko. Hinawakan ko ang kamay ni mama. "May nakausap na po akong abogado, may tutulong na kay papa, ma!" Pagkasabi ko non ay bigla niyang hinagis ang kamay ko. "Pang ilang abogado na ba 'yan? Tanggapin na lang natin kiwi, na sa kulungan na mamatay ang papa mo. Wala tayong pera, kaya wala tayong laban sa kanila!" pag kasabi niya nun ay walang paalam siyang lumabas ng aking kwarto. Nanghihina akong napaupo sa aking kama. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mama ko. Ayaw niyang makinig sa akin.. Sobrang nahihirapan ako tuwing nakikita ko siyang lutang dahil sa drugs, alam ko din na unti unti na nitong nilalamon ang katinuan niya. Hindi sinasadyang napalingon ako sa pianglabasan ni mama. Nakita ko doon si Tito mar na, nakatayo at nakatanaw sa akin. Walang damit pang itaas at nakasuot ng manipis na short habang may nakakdiring ngiti sa labi. Mabilis akong tumayo para isarado ang pinto. Ni lock ko 'yon. Naiiyak na napasandal sa may pinto. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pinapunta ko dito sila mama para mailayo sa lalaking 'yon, pero pinapasok pa niya dito sa bahay ko, dito pa niya papatirahin. Isang hikbi ang piankawalan ko, hindi ko alam kung ligtas pa ako dito sa apartment ko. Alam kong sa mga oras na ito, mawawala na ang peace of mind ko. Pinilit kong tumayo. Kailangan ko ng bumili ng padlock bukas. # "Kumusta ang boracay, malanding nilalang?" inangat ko ang aking ulo para matignan kung sino ang nag salita. Si Lei. Break time kasi, at imbes na kumain ay pinili ko na lang matulog saglit. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa ingay nila mama kagabi. Hinila ni Lei ang isang swivel chair habang may dalang tasa ng kape at pumwesto sa harap ko. "Puyat yan?" nangingising sabi niya. Inirapan ko siya at sinandal ang ulo sa likod ng upuan. "Bakit ka ba ganyan? Hindi ka ba nakatulog kagabi? Anong oras ka ba nakauwi kahapon?" si Lei pagtapos sumimsim sa kape niya. "Maaga pa, mga 5 pm." sagot ko. "Oh, bakit parang pagod ka pa maaga ka naman pala nakauwi." Umiling ako. "Si mama kasi, pinapunta niya dito si Tito mar, tapos sa apartment ko pinatuloy." sabi ko. Nakita kong nanlaki ang mata niya. Alam kasi ni Lei ang gawin ni Tito mar. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyayari sa pamilya ko. Alam ni Lei lahat. "O my gosh? Nasa apartment mo yung adik na 'yon? Bakit ka naman pumayag?!" hiyaw niya. "Hindi ako. Si mama." "Kahit pa! Sa iyong apartment 'yon ikaw ang mas may say doon!" "Alam ko." sabi ko. "Pero kung paalisin ko siya doon, babalik na naman sila sa probinsya tapos ano? Doon sila gagawa ng hindi maganda, hindi ko mababantayan si mama, kung ganoon." Huminga ng malalim ang kausap ko. Alam kong nakukuha ni Lei ang ibig kong sabihin, pero sa mukha niya, alam kong tutol siya sa paraan ko. "Okay sige, sabi mo. " aniya. " Pero, how about you? Hindi ka na ligtas sa sariling apartment mo, Kiwi. Bakit kasi hindi mo pa ipakulong?" Umiling ako. Dahil sa totoo lang, matagal ko ng gustong gawin 'yon. Pero nakakalaya lang naman ulit si Tito. Wala rin kwenta. At kada nakakalaya siya, mas lalong lumalala ang gawin niya. Parang kada nakakalaya siya, napopromote siya sa pagiging dealer at user niya. "Jusko ka, gusto mo ba, doon ka muna sa apartment namin ni Shiela? Pwede ka doon!" Umiling ako. "Walang makakasama si Poleng at mama." "Gosh, Kiwi. Ang hirap nga makasama ang toxic na tao, adik pa kaya? Ano feeling 'te?" naiiskandalo niyang sabi. Huminga na lang ako ng malalim at hindi siya sinagot. Dahil sa totoo lang, hindi ko kayang idescribe yung nararamdaman kong takot at stress ngayong nasa bahay si Tito mar, 69/10 siguro. Malala. Nakaka stress. Kung pwede lang sanang manatili na lang sa boracay, kung maaari lang sana na walang stress at problema. Kung pwede lang sana. "May dala kang pagkain, nak?" salubong ni mama sa akin pagkatapak na Pagkatapak ko pa lang sa may pintuan. Nawiwindang akong napatingin sa kanya. "Nagugutom na kasi ang tito mar mo, anak. May dala ka ba?" Sabi niya at mabilis na hinawakan ang bag ko. Instinct, mabilis ko rin na iniwas sa kanya 'yon. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na binawi ang ikinilos ko. "May pagkain po sa ref, ma." simpleng sagot ko at naglakad na papuntang kwarto.. Sana, kung hindi lang ako tinawag muli ni mama. Napapagod akong lumingon sa kanya. "Ipagluto mo muna si Tito mar mo, saglit lang." aniya. Humugot ako ng malalim na hangin. "Ma, pagod po ako galing trabaho.." "Ay...sandali lang naman 'yon anak! Nag saing naman na si Poleng kanina." mas pinilit kong kumalma dahil sa narinig. Si Poleng ang nag saing? 9 years old pa lang 'yon. Hindi ko na napigilan ang mairita sa kay mama. Nakasuot siya ng isang sandong dilaw na kupas at maong na short na bukas pa ang zipper, gulo gulo ang kanyang buhok. Naiiyak na ako habang tinitignan ang aking ina, gusto kong magalit sa kanya pero bilang anak, kailangan ko siyang intindihin. Ako lang naman ang may malasakit sa kanya ngayon. Pinikit ko ang mata ko at pilit na pinakalma ang sarili. Tinignan kong muli si mama na nakatanaw sa akin. "Sige po, magbibihis lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD