Kanina pa ako nakaupo rito sa sofa habang kinakabahan na nililibot ang mata sa lugar. Pagtapos sa elevator ay agad niya akong pinasok dito sa unit niya at pinaupo sa sofa na ito. At ilang minuto na ang nakalipas, ay hindi pa rin siya bumabalik simula ng pumasok siya sa katapat na pinto. Ito ba ang bahay niya? Iba kasi ito sa condo na tinitirhan niya noon nung magkasama pa kami, ano ito? Den para sa mga babae niya? Dinala na niya kaya dito yung babaeng kausap niya kanina? e, si Melani kaya? Hindi ko alam pero pakiramdam ko.. naging easy girl ako. Like.. Nakipag live-in ako kay Loey samantalang iilang months pa lang kaming magka-relasyon. At ang nakaka inis pa doon ay hindi ko alam na may iba pa pala siyang place na ganito, ni minsan hindi niya binanggit ito ni dalhin man lang ako dito hi