Balik normal na ang buhay ko minus siya. Wala naman, normal na buhay at tahimik. Bumalik lang sa dati yung buhay ko, at sa tingin ko.. mas okay na yung ganito.. sa ngayon. Nakabalik na rin ako sa apartment ko. Wala na akong social life these past few days, puro lang trabaho at bahay. Hindi ko nga alam kung may patutunguhan pa ako. Ang akala ko dati, kapag mahal mo yung sarili wala ng pwedeng manakit sayo, pero ngayon ko narealize na kahit pala mahal mo ang sarili mo kapag niloko ka ng taong mahal mo, masasaktan ka pa rin at kukwestiyonin mo pa rin ang sarili mo. Aabot ka sa point na mag ooverthink ka gabi-gabi, iiyak, pero pagdating umaga kailangan mag pretend na ayos lang ang lahat at hindi ka apektado. Ganun pala talaga ang buhay, kahit hindi ka okay kailangan mong mag pretend na okay