(Advance Merry Christmas everyone!?) Maaga akong gumising ng araw na 'yon. Ito na kasi ang huling araw namin dito sa siargao at uuwi na rin kami mamayang hapon, kaya nakapag decide kami ni Loey na magtampisaw muna sa dagat. Ngayon nga ay pinagmamasdan ko siya habang kumukuha ng aming inumin, samantalang pwede naman namin iutos iyon sa staff ng resort pero sabi niya siya na lang daw ang kukuha. Tinititigan ko siya habang nakikipag usap sa staff. "You're still here," ani ng kung sino. Tinignan ko iyon, si Reyven. Nakatayo sa gilid ko habang nakatingin sa akin, ilang sandali pa ay umupo siya sa tabing upuan ko. "Hindi ba at ang kapal naman ng mukha mo? A sidechick who's really proud of herself-" "Ano ba ang problema mo?" di ko na napigilang tanong. "I knew it!" ngiti niya at tinanggal