(W A R N I N G ! ! ) Imbes na nakasabit sa akin ang sling bag ko ay bitbitbit ko 'yon habang durog na naglalakad sa hindi ko alam kung saan. Nasa labas na ako ng venue-sa wakas. Dahil alam ko naman na sinundan ako ni Loey palabas. For some reason..nararamdaman ko ang bawat yabag ng paa niya. Kaya nga ngayon tumigil ako sa gitna ng parking lot. Tahimik at malayo sa lakas ng tugtog sa loob. "Babe.." Mabilis ko siyang hinarap. At halos madurog ako sa nakikita kong hitsura niya ngayon. Wala pa akong sinasabi sa kanya ngunit durog na durog na ang hitsura niya ngayon. Mukha siyang natatakot sa hindi ko alam kung ano.. aligaga at hindi alam ang gagawin. Malayo sa Loey na palaging composed at malakas. Sa hitsura niya ngayon ay para na siyang matutumba. Tinatagan ko ang loob ko. "Kiwi ang p