Kabanata 29: PJ’s Quest (Third Person’s Point Of View) UMALIS si PJ sa kwarto ng Papa niya. Naniniwala ang mama niya kaya gagawin na niya. Mag reresearch siya kung saan siya pwede makakuha ng Miracle. Sa totoo niyan ‘di alam ni PJ kung ano ba ang miracle basta sa puso at isip niya. Alam niya na ito lang makakapagpasaya sa Mama at Papa niya. Pumunta siya sa library sa hospital. Nagulat na nga lang librarian dahil may bata na naghihila ng damit. “Ay! Susme! Nakakagulat ka namag bata ka!” bulalas ng babaeng ‘yon dahil sa gulat niya sa pagsulpot ni PJ. “Hello po!” masayang bati ni PJ sa kaniya. “Bakit ka ba nandito, alam mo bang ‘di ito playground?” tanong ng babae sa kaniya. “Alam ko pong ‘di ito playground. Nandito po ako para magbasa,” saad ni PJ Nagbabasa na ba to? Ang liit liit