Sumapit ang umaga at nagising na naman si Mia na katabi ang asawa niya. Hindi ba't sinabi niyang huwag itong matulog katabi niya kagabi? Hindi bale na nga lang. Matutulog nalang siya ulit at magpanggap na hindi niya ito napansin. Alas dyes ng umaga, nagising ulit si Mia at wala na si Alexus sa kama. Saka lang niya napagdesisyonan na bumangon. "Good morning, wife." Nagkukusot-kusot pa lang siya ng mga mata nang marinig niya ito sa may isang upoan na nasa loob lang ng kuwarto nila. Nagka-kape ito habang may hawak na magazine. "Walang maganda sa morning." Wika niya at gumalaw upang baba-ba sa kama nang, "Aishhh!!" Napahiyaw siya sa sakit na umatake mula sa kaniyang mga tuhod. "You're not allowed to move your knees unless oras na ng elevation exercise mo." Naningkit ang mga mata ni Mi