"Welcome to Manila!" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang sabi ng mga flight attendant. Tinignan ko ang paligid. Lumalabas na pala ang mga kapwa ko pasahero. Paglabas ko ng eroplano ay saka ako kinuha ang mga gamit ko sa baggage area, kung saan chi-ne-check at ini-scan ang mga bag na dala ng mga pasahero. Kukunin ko na sana ang bag ko nang may tumawag sa akin. "Reign?!" Napakunot ang noo ko at hinanap ang may ari ng tinig na iyon. "Reign!" Mas lalong kumunot ang noo ko nang may lumapit sa aking babae. Ilang beses akong kumurap upang alalahanin ko kung saan ko siya nakita. Napamulagat ako nang makilala ko siya, "Althea?" Ngumiti siya sa akin. "Kamusta ka na?" I nodded, "I'm okay." Tila ba may hinahanap ang kanyang mga mata sa tabi ko, "Hindi mo kasama si Troy?" Kunot noong tano