"Pero, naniniwala naman ako na isinama ni Kuya si Kara!" Ani Troy pagkatapos makainom ng Juice. "Ewan ko ba sa kapatid ko, pero pihado akong itinanan niya nga si Kara! Ayoko na munang magsalita kila Papa dahil baka pati ako pag-initan ni Papa.." Napatango-tango ako sa kwento niya, "Mukha ngang may something sa kapatid mo at saka sa katulong niyo," Sabi ko, 'yun din kasi ang napansin ko noon sa kapatid ni Troy pati na rin sa katulong nila. "Oo nga pala, Reign..." Napakunot ang noo ni Troy, bago muling magsalita. "Ano nga pala 'yung dapat na sasabihin mo sa akin?" Sabi niya, sabay kagat sa fried chicken na hawak niya. Pigil akong napangiti at saka umiling. "Mamaya na! Kumain na muna tayo," Hindi ko mapigilang hindi mapangiti lalo na nang makita kong may gravy pa sa labi ni Troy. Kahit k