HALATA ang saya sa mukha ng mga ama nila nang tumingin sa kanila. Hinintay sila ng mga ito sa sala talaga bago pupunta ng dining area. Magkahawak ang kamay nila ni Tristan tapos karga din nito ang anak nila. Nakadapa talaga ang anak sa dibdib ng ama. Dahil nga sigurosa kabusugan kaya nakaidlip agad. Hindi naman malikot si Jianna kaya isang kamay lang gamit nito dahil hawak nga nito siya sa kabila. “Sa tingin ko, oras na,” anang ama ni Tristan na si Rinaldo. “Sa tingin ko nga, Kumpare.” Ngumiti ang ama ni Sarah bago nagpatiuna papunta sa dining. Ang ama naman ni Tristan ay tulak-tulak ng kanang-kamay nito. “Ano ba ang oras na sinasabi ng Daddy mo?” tanong ni Sarah kay Tristan. Nagkibit balikat ito. “Dami naman nilang secret na wala tayong alam. Kaya hayaan na natin silang mga matatanda.