“S-sige po.” Pero nang maalalang hindi siya marunong humawak ng baby, binalik niya ang tingin sa asawa ni Supremo. “P-paano po pala ‘to? Baka mahulog ko,” aniya. Natawa si Nichole nang malakas kaya napatingin sa gawi nila ang asawa nitong may kausap. Kumunot ang noo nito kapagkuwan. “Don’t worry, hindi naman malikot ang baby kapag ganitong edad. Kaya hindi ‘yan mahuhog. Unless, ikaw ‘tong malikot.” Napasinghap si Tristan dahil dinala agad nito ang bata sa bisig niya. Mabuti at awtomatikong ni-lock niya ang kamay para protektahan ito. Sa sobrang lambot nito kaya inayos niya ang pagkakahawak dito. Pero natigilan siya nang makita na ang mukha nito nang tuluyan. Saktong kumibot ang labi nito kaya napangiti siya. “I think she likes you.” She? So ibig sabihin, babae ang baby na ito? Wo