“DON’T go, Pea. Please,” ani ni Tristan sa kabilang linya. “Hintayin mo ako. I’m on my way.” Pinindot ni Sarah ang screen para tingnan kung nasa labas pa ang asawa ni Rolly. Nandoon pa rin ito. Alam ba nito na hawak nila ang asawa nito? Kaya bakit sa kanya ito pumunta? Akmang papatayin niya nang magsalita ang asawa ni Rolly. “Alam kong hawak mo si Rolly, Ma’am Sarah. Pero wala siyang kasalanan sa nangyari sa ‘yo. Sumunod lang ang asawa ko sa nakatataas…” Napatitig siya sa babaeng nasa labas. Umiiyak na ito kaya hindi niya maiwasang makonsensya. Gusto niyang pagbuksan ito pero naalala niya ang pakiusap ni Tristan na ‘wag itong pagbuksan. Kailangan niyang sumunod dito dahil baka delikado kaya ayaw nito. “Kung alam mo lang, Ma’am Sarah. Hindi lahat ng nakapigid sa ‘yo ay totoo. May