MAINGAT na dinala ni Dennis si Sarah sa tinutuluyang bahay. Sumaktong paglabas niya, natanaw niya ang nobya. Nainis siya sa nakita dahil hindi man lang talaga nag-isip ito. Ano ba ang gusto nito? Kapahamakan? Hindi niya akalaing ang dalaga mismo ang pupunta rito. Bago niya maipadala ang resulta ng imbestigasyon sa dalaga, nagpunta na siya rito. Gusto niya ring malaman ang nangyari sa dalaga, kung paano ito na-kidnap at napunta sa isla na iyon. Kailangan niyang maging concern dahil sa pagkakaalala niya, asawa ni Sarah ang sinisisi nito. At walang ibang asawa itong tinutukoy kung hindi siya. Pero naisip na talaga niyang baka puntahan nga ng dalaga ang lugar na ito, pero binalewala niya rin dahil sa agency nga nila humingi ng tulong ang dalaga. Ito pala ang rason kung bakit na pinatawag siy