CHAPTER 29 TAHIMIK na binibihisan ni Hillary si Vin matapos na paliguan ang bata. Naalala niyang bukas nga pala ang death anniversary ng Mommy niya. Kailangan niyang magsimba nang maaga at magdala ng bulaklak sa puntod noon kasi hindi niya pwedeng pabayaan ang family day ni Vin. Kahit na silang dalawa lang ang pupunta, dapat na maging masaya ang pamangkin niya. “Mommy Pretty, will Dad come tomorrow?” biglang tanong nito sa kanya kaya naibalik niya ang sarili sa huwisyo. “‘Di ko alam, baby. ‘Wag ka ng malungkot kasi magiging happy ka naman kasi nandoon si Nanny.” nginitian niya ito. “Hindi na po Nanny, Mommy na po kasi para ko po kayong totoong Mommy. Kahit po pinapagalitan kayo ni Daddy, ‘di mo ako pinababayaan.” malungkot na sabi nito. Napatanga siya at tumigil sa pagbubotones ng pan