CHAPTER 25 NANG makaupo si Hillary ay saglit niya munang tiningnan ang bata sa harap niya. Ngumiti ito sa kanya. “Anong pangalan mo?” aniya rito. “Stephanie po, Nuval. Ikaw po ba si Hillary Hiralde?” tanong naman nito sa kanya. She nodded. “Yes. How’d you know me?” “Hinanap ko po kasi si Papa kung saan siya nakatira. May naiwan kasi siyang address kay Mama pero noong pumunta ako, hindi naman ako pinapasok ng gwardiya sa subdivision. Aksidente lang na nakabalik ako noong inutusan ako ng amo ko na may dalahin sa kumpare niya. Tanda ko iyong adress kaya hinanap ko na rin po sa loob ‘yong number ng bahay. Nakita ko po ‘yong gate na Hiralde ang nakalagay. Alam ko po na ‘yon na, pero nakita kita. Ikaw ang natandaan ko. Tinanong ko po ‘yong janitor ng subdivision, kung kilala ka. Sabi po ni