bc

Desired Seduction

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
heir/heiress
bxg
brilliant
like
intro-logo
Blurb

Daxon Ferrer, the notorious womanizer

who has lost his s****l prowess, is thrust

into a desperate quest by his father’s

plea for a grandchild. Helena Santa Cruz

enters his life unexpectedly, unveiling a

storm of revelations.

As their worlds collide and desire

takes control, can they navigate the

tangled web of deceit and find a way to

heal their fractured hearts?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: Apo.
“APO na lang ang hinihintay ko, Daxon. Sa dami ng naging babae mo, wala ka ba talagang naanakan maski isa?” Napabuntonghininga si Daxon nang marinig ang tanong na iyon mula sa kanyang Ama. Isang taon na rin ang nakalipas mula nang kulitin siya nito. Gusto na raw ng apo. “Pa, hindi ba’t sinabi ko na nga sa iyo na wala? Bakit po ba pilit kayo nang pilit. Wala nga ho, wala.” “Aba’y ang hina naman ng kargada mong ‘yan? Noong binuntis ko ang nanay mo, isang putok lang, buo ka na kaagad!” “Papa!” Sa tagal ng panahon mula nang mamatay ang kanyang Ina, ngayon lang ito naging makulit sa kanya. Dala siguro ng pangungulila nito sa asawa, gusto tuloy ng apo. Palibhasa, tahimik na ang mansyong tinitirhan nito. Bukod pa roon, hindi siya nakatira sa mansyon na ito. Malayo kasi sa gusaling pagmamay-ari nila kung saan siya nagtatrabaho. Kaya isang beses isang linggo na lang kung dumalaw si Daxon sa kanyang Ama. “Gusto ko ng apo, Daxon! Bigyan mo ako ng apo, sa ayaw at sa gusto mo!” “Papa, kasi… hindi iyon ganoon kadali! Papaano naman kita bibigyan ng apo, agad-agad? Ni hindi pa nga ako kasal!” “Kahit walang asawa, basta apo, mayroon! Apo ang gusto ko, hindi mapapang-asawa mo.” Napailing na lamang siya sa labis na kakulitan ng kanyang Ama. Gusto niya rin naman talagang lumagay na sa tahimik. Magkaroon ng asawa, ng anak, ng pamilya na uuwian niya sa araw-araw. Tatlumpo’t dalawang taong gulang na si Daxon at walang girlfriend. Walang fling, walang s*x life… Hindi dahil busy siya sa trabaho, hindi rin dahil torpe siya sa panliligaw, at mas lalong hindi dahil bakla siya. Kun‘di dahil sa hindi niya malamang dahilan, hindi siya tinitigasan. Dalawang taon na ang nakalipas, tigang na tigang na siya. Umabot na ng second anniversary ang katigangan niya pero heto at kuluntoy pa rin ang dati niyang sandata. Ang totoo, babaero siya noong una. Lahat ng babaeng gusto niyang tikman, natitikman niya. Lahat ng kikindatan niya, sasamahan agad siya at pwede na niyang ikama. Pero isang araw, bigla na lang hindi na niya magamit ang t**i niya. Sinubukan na niya ang lahat ng technic. Pero ayaw talaga. Hanggang sa kumonsulto na siya sa espesyalista. Doon niya nalaman ang dahilan. Pagod na raw ang kanyang alaga, kailangan nito ng pahinga lalo pa’t hindi na umeepekto rito ang libog. Sa dami ng experience niya, sa dami ng natikman niya, wala nang kakaiba. Kumbaga, wala na sa mga babaeng natikman niya ang hinahanap ng kanyang libido. Hindi niya maintindihan iyon. Ilang libong beses na pakikipag-s*x ba ang limitasyon ng isang t**i? Lumagpas na ba siya sa limitasyong iyon? Hindi niya alam. Paglabas niya ng kwarto ng kanyang Ama na si Don Demitri, dumiretso siya sa sala habang ini-d-dial ang number ng sekretaryo niyang pwedeng tumulong sa kanya. Tama ang Papa niya, sa dami ng naging babae niya, dapat kahit isa man lang sa kanila e nabuntis niya. Pero wala naman. Kung nabuntis nga niya, bakit walang lumapit? Paniguradong hahanapin siya ng babae kung nabuntis niya. “Hello?” “Hello, Sir Daxon! Napatawag po kayo?” “May gusto sana akong ipagawa sa ‘yo,” sagot niya. “Ano po ‘yon, Sir?” “This is a secret between us,” dagdag niya pa. “Ihanap mo ako ng single mother na may anak na sanggol hanggang isang taon. Isa lang. Siguruhin mong may hawig sa akin ang bata, kahit na papaano.” “T-teka, Sir? Tama po ba ang narinig ko mula sa ‘yo?” “Bakit? Bingi ka ba? Uulitin ko kung bingi ka nga.” “Hindi po, Sir. Nabigla lang po ako. Pakibigay po sa akin ang ibang detalye para po masimulan ko na po ang paghahanap.” Kung iniisip ng kanyang Ama ang posibilidad na dapat ay nagkaanak siya sa mga naging babae niya noon, might as well na iyon ang isipin nito. Balak niyang maghanap ng babaeng magpapanggap na naging ex-girlfriend niya at naanakan niya pero nagtago sa kanya. Mas maiging iyon ang set-up dahil sa pagkakataong ito, wala talaga siyang pag-asa. Sinubukan na niyang magpa-therapy noon pero sa tuwing makikipag-usap siya sa Doctor, naiilang siya. Usapang t**i ba naman ang pag-uusapan, sino bang hindi maiilang. Hindi naman siya desperado, kung minsan, na-m-miss niya ang nakaraan, kung saan sagana pa ang s*x life niya. Pero hindi niya na iyon iniisip ngayong marami naman siyang trabaho sa kompanyang ipinagkatiwala na sa kanya ng kanyang Ama… Ang Papa niyang siguradong malungkot dahil matagal nang wala ang kanyang asawa. Kung ang pagkakaroon ng apo ang makapagpapasaya sa kanya, gagawin na lang niya… kahit peke sa ngayon. Hanggang sa gumaling lang ang problema niya. — “HINDI ko akalain na gagawin mo sa akin ‘to, Ronnie! Ano pa bang kulang sa akin?” Umiiyak na sumbat ni Helena sa kinakasama niyang si Ronnie. Nasa labas sila ng isang Bar kung saan niya nahuli ang asawa niya na may kalaguyo. Iniwanan niya pa ang kanyang anak na si Hans sa kapitbahay para lang hanapin si Ronnie dahil nag-aalala siya rito. Nag-aalala siya kung ano na ba ang nangyari dito dahil anong oras na at hindi pa umuuwi. Hindi rin sumasagot sa mga tawag at text niya. Pagkatapos ito lang ang kanyang maaabutan? “Putangina, Helena! Hindi mo alam kung anong kulang sa ‘yo?” marahas na mura ni Ronnie. Nakakahiya man at maraming nakiki-usyoso sa pag-aaway nilang dalawa, wala na siyang pakialam. Nakakahiya na rin naman ang ginagawa nito sa kanya. Sa harap ng mga barkada niya’y may kabet siya! Inapakan nito ang pagiging babae niya, at ang natitirang dignidad niya. Mabuti sana kung maganda ang kabet nito! “Ano?! Wala akong pagkukulang sa ‘yo, Ronnie! Lahat na ibinigay ko sa ‘yo. Pinagsilbihan kita dahil kinukopkop mo kaming mag-ina. Binigay ko sa ‘yo ang sarili ko nang buong-buo tapos ganito ang gagawin mo? Mapapatawad ko pa kung sinasaktan mo lang ako nang pisikal, pero ang pambababae? Ronnie naman!” “Anong ibinibigay ang lahat? Tangina, Helena! Hindi mo nga ako pinagbibigyan palagi! May pagkukulang ka! Lagi kang pagod dahil sa anak mo. Kung ayaw mo na, lumayas na kayo sa pamamahay ko! Ako ang nagpapakain sa inyo pero hindi mo ako mapagbigyan! Ayaw mo pala na mambabae ako pero ganito ang ginagawa mo sa akin? Tinitigang mo lang ako!” Napahilamos sa mukha si Helena habang ang luha niya ay hindi magkamayaw sa katutulo. Napailing siya, hindi na tama ito. Kahit na wala siyang choice kun’di makisama kay Ronnie, hindi rin naman niya deserve ang lahat ng natatamo niya rito. “Pagod na ako, Ronnie. Aalis na kami ni Hans,” sagot niya. Habang tumutulo ang mga luha, tuluyan niyang tinalikuran si Ronnie kahit na ang sakit-sakit para sa kanya. Sa loob ng isang taong pakikisama kay Ronnie, naging maayos naman ang unang mga buwan nila bilang mag-live in partner. Ngunit ang pagsasama nilang dalawa ay nauwi sa pamimisikal nito sa tuwing may hindi ito nagustuhan sa kilos niya. Masakit iyon para sa kanya, never siyang sinaktan ng kanyang Ama at Ina pagkatapos ay mararanasan niya lang kay Ronnie! Ang mga magulang niya, hindi na siya pinansin mula nang mabuntis siya. Malaki kasi ang expectation ng mga ito sa kanya. Alagang-alaga siya ng kanyang mga magulang noon dahil nag-iisa siyang babae. Spoiled siya, binibigay ang lahat ng kanyang luho… ngunit hindi pa man niya natatapos ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo, nabuntis siya nang dahil sa one-night-stand. Hindi niya alam ang pangalan ng lalaking naka-s*x niya. Wala rin ito sa circle of friends niya dahil nakilala niya lang ito noon sa isang Bar na pinuntahan nila ng kanyang mga kaibigan. Kaya nang palayasin siya ng kanyang mga magulang, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Si Ronnie lang na ex-boyfriend niya ang tumulong sa kanya at kumupkop. Inangkin niya si Hans bilang kanyang anak kahit halatang-halata namang hindi ito sa kanya. Nagagalit pa ito noon kapag sinasabi ng mga kakilala nila na hindi niya kamukha… pero sa pagtagal ay naiinis na ito. Mabuti na lamang at hindi kailanman napagbuntungan ni Ronnie ng galit si Hans dahil hindi niya alam kung anong magagawa niya kung pati ang anak niya’y pagdidiskitahan nito. “Maupo ka, Helena…” Dahil wala naman siyang mapupuntahan, dumiretso siya sa bahay ng kaibigan niyang si Joyce. Si Joyce na hindi tumalikod sa kanya nang mabuntis siya nang maaga. “Oh, uminom ka na muna ng tubig.” Inilapag ni Joyce ang baso ng tubig sa ibabaw ng lamesa habang siya naman ay inilapag si Hans sa tabi niya para abutin ang baso. “Sabi ko naman sa ‘yo, hindi talaga safe d’yan kay Ronnie. Hilatya pa lang ng mukha no’n, kaduda-duda na!” bulalas ni Joyce. “E kung kausapin mo na kaya ang mga magulang mo? Sigurado akong mapapatawad ka rin nila… magulang pa rin sila, e.” Bumuntonghininga si Helena matapos uminom ng tubig at saka niya inilapag ang baso. “Nahihiya ako, Joyce.” “Jusko, bakit ka naman mahihiya? Mga magulang mo iyon.” Naupo si Joyce sa katapat niyang upuan saka siya tinitigan. “Tingnan mo, may pasa ka pa sa gilid ng labi mo. Kung makikita lang nila ang itsura mo ngayon, baka sugurin pa nila iyong Ronnie na ‘yon at ipakulong!” “Iyon na nga… ayaw kong dumating pa sa ganoong punto. Kahit papaano, kinupkop pa rin naman kami ni Ronnie.” “Kinupkop… ginawa kang katulong kamo! Noong dalaga ka pa, napakaganda, makinis at sexy ka… I mean, ganoon pa rin naman ang itsura mo ngayon pero mukha kang hindi na naliligo.” Yumuko si Helena at sinubukang ayusin ang may punit na suot niyang pantalon. Ang totoo, kulang na kulang ang ibinibigay ni Ronnie sa kanya para sa pang-araw-araw na pagkain. Kaya hindi rin siya makabili ng bagong damit. Kung minsan hindi na siya nakakaligo dahil sa sobrang daming gawain sa bahay, naglalabada pa siya para may maidagdag sa pambayad ng bills… “Kawawa ka, Helena… ako ang naaawa sa iyo. Mabuti na lang at natauhan ka na talaga. Huwag na huwag ka nang babalik kay Ronnie at ako mismo ang mag-uuntog sa ‘yo para matauhan ka ulit.” “Hindi na talaga…” sagot niya. “Ang problema ko, kung paano ako maghahanap ng trabaho. Sino ang mag-aalaga kay Hans?” “Hayaan mo, tutulungan kitang maghanap ng trabaho. ‘Yong pwedeng kasama ang bata. O kaya naman, pwedeng sa gabi ka magtrabaho. Gagawa’n natin ng paraan, huwag ka lang bumalik kay Ronnie.” Marahan siyang tumango. “Salamat, Joyce.” Dumaan ang ilang araw na nanatili sina Helena at Hans sa bahay ni Joyce. At dahil wala siyang trabaho at ambag sa bahay, siya na ang kumikilos sa bahay nito. Hindi na rin talaga sila kin-ontact ni Ronnie na hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya ba o ikasasama ng loob. Dati naman ay nanghihingi ito ng tawad, pero ngayon mukhang tuluyan na nga talagang natapos ang lahat sa kanila. Dalawang Linggo rin ang itinagal nila sa bahay ni Joyce nang umuwi ang kanyang kaibigan na excited. “Helena! May nakita na akong trabaho na pwede sa iyo!” Nagmamadaling inilapag ni Joyce ang bag niya sa may lamesa at saka ini-abot sa kanya ang cellphone. Kaagad niya naman iyong kinuha dahil sa excitement na rin. Sumubok na kasi siyang maghanap ng trabaho pero hindi siya makahanap. Dahil palagi niyang isinasaalang-alang ang anak niyang si Hans. “Magpapanggap akong asawa at magpapanggap ang anak ko na anak niya? Ano raw?” takang tanong ni Helena nang mabasa ang kabuoang requirements. “Oo… mayaman daw ang lalaki. Magpapanggap ka lang na naanakan noon ng lalaki na iyan at ngayon lang lilitaw. Ang balita ko sa kaibigan kong iyan, gusto na raw ng tatay niyang magkaroon ng apo, e parang may problema yata iyong lalaki… kaya ayun!” “Parang delikado…” “Magpapanggap ka lang naman, fake ang kasal at saka fake din na ipapangalan sa kanya ang bata… Sa loob ng isang taon, buwan-buwan ang kita mong 100,000.” “100,000? Maniwala naman ako r’yan! Baka niloloko ka lang.” “Mayaman ito! At ang mga mayayaman, kayang magbayad ng kahit na magkano. Barya lang ang 100,000 sa kanila lalo pa at sabi mo nga, delikado.” Napaisip bigla si Helena. Malaking halaga ang 100,000 at kung isang taon lang naman ang kontrata, malaki na ang maiipon niya roon. Pwede siyang magsimula ng negosyo kung sakaling makaipon siya pero… “Natatakot ako, masasali ang anak ko kung sakaling magkagulo…” sagot niya. Bumuntonghininga si Joyce saka naupo sa tabi niya. “Isipin mong mabuti, Helena. Bago ka maunahan ng iba.” Buong gabing pinag-isipan ni Helena ang trabahong iyon. Ayaw niya sana pero sa dalawang Linggong paghahanap niya ng trabahong swak sa kanya na hindi maaapektuhan si Hans, wala talaga siyang mahanap. Nahihiya na rin siya sa kaibigan niyang si Joyce na kahit single naman ay s’yempre, may pinakakain ding pamilya dahil bread winner ito… Kaya dahil wala na talaga siyang choice kun’di ito na lang, pumayag siya. “O ayan! Iyan na ang pinakamagandang dress ko. Sana ikaw ang mapili. Good luck sa inyo ni Hans!” ani Joyce. Napatingin siya sa full-length mirror na nasa kanyang harapan at nakita ang above the knee na kulay sky blue dress. Mula nang mabuntis siya at magkaanak, hindi na siya nakapagsuot pang muli ng ganito ka-sexy at magandang dress. “Ang ganda pa rin ng legs mo. Mabuti at walang peklat,” pamumuri ni Joyce. Sinuyod nito ang tingin sa buo niyang katawan. “O siya, sige lakad na kayo. Gusto mo bang samahan kita? Para kahit papaano may kasama ka.” “Huwag na ano ka ba! Itong pamasahe nga namin, bigay mo lang. Dodoble pa ang pamasahe natin… i-te-text na lang kita kung ano man ang mangyari.” “Sige, ikaw ang bahala. Mag-ingat kayo, ha? Iyong pepper spray na bigay ko sa ‘yo, ha?” Hindi nagkulang sa pagpapaalala si Joyce bago sila umalis. Alam niyang natatakot din ang kaibigan niya pero wala talaga silang choice. Si Joyce, isa siyang dancer at DJ sa pinag-ta-trabahuan nitong Bar. Ang kinikita nito ay pinapadala niya sa mga magulang niya. Wala naman itong kapatid kaya siya lang talaga ang aasahan. Ayaw niyang dumagdag pa sa papakainin ni Joyce. Nang marating ang address na ibinigay ni Joyce, nalula siya sa laki ng bahay. Modern style ito na puro salamin ang dingding. Kita ang loob pero imposible ring mapasok ng magnanakaw dahil sa taas ng gate na nakapaligid. Puno rin ng CCTV. “Ikaw ba si Helena Santa Cruz? Iyong inirekomenda ni Joyce Suarez?” tanong ng lalaking nakasuot ng business suit. “Opo, kayo po ba si Eric Mendez?” “Oo, ako nga. Ako ang secretary ni Sir Daxon,” sagot niya. At saka nito tiningnan ang bata. “Wow… mukhang pipiliin ka na yata ni Sir.” “Ah, bakit?” takang tanong niya. Marahang hinawakan ni Eric ang pisngi ni Hans na ngayon ay karga-karga niya. Kakaisang taon lang ni Hans noong nakaraang buwan. “Medyo malaki na ang anak mo kumpara sa limang batang pinagpilian namin, siya ang pinaka-kahawig ni Sir. Ang totoo, hawig talaga sila lalo na sa mga mata.” Nagtatakang napatingin si Helena kay Hans. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil malaki ang chance na sila ang mapili o mas lalo lang siyang kakabahan. “O siya, halika na at dumiretso na tayo sa opisina ni Sir Daxon.” Tinungo na nila ang loob ng bahay. At mas lalo lang siyang nalula sa ganda nito. Maging si Hans ay panay ang ‘wow’ na iyon pa lang naman ang salitang alam. Hanggang sa makarating sila sa opisina. Ngunit nang mabuksan na ang pinto at nakita na niya ang lalaking magiging amo niya, tila napako ang mga paa niya sa sahig… Magdadalawang taon na ang nakalipas. Hindi man niya alam ang pangalan nito, tandang-tanda niya naman ang mukha nito. Paanong hindi niya matatandaan? Bukod sa ito ang nakauna sa kanya, siya rin ang ama ni Hans!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Shifted Fate

read
654.8K
bc

Chosen, just to be Rejected

read
135.2K
bc

Corazón oscuro: Estefano

read
922.2K
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
139.4K
bc

The Biker's True Love: Lords Of Chaos

read
307.1K
bc

The Pack's Doctor

read
674.6K
bc

MARDİN ÇİÇEĞİ [+21]

read
786.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook