bc

The Mafia's First Love

book_age16+
56
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
opposites attract
brave
mafia
heir/heiress
sweet
bxg
kicking
city
enimies to lovers
secrets
addiction
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa matinding pangangailangan sa pera, hindi na nagdalawang-isip pa ang beinte-cinco anyos na si Iris Devoma na tanggapin ang inaalok na trabaho sa kaniya ng isang babaeng nagngangalang Eva. Kapalit ng limang milyon ay kailangang akitin niya ang asawa nitong Rui Natividad, isang CEO, at makuha ang tiwala ng lalake.

Alang-alang sa kapatid na nangangailangan operasyon, nakahanda na si Iris na gawin ang buong makakaya para magtagumpay sa kaniyang misyon. Subalit sa tuwing kikilos naman siya para gawin ang 'trabaho' ay naroon parati ang kakambal ni Rui na si Brant para guluhin ang plano niya.

Anong kahihinatnan ng tinanggap na misyon ni Iris? Magtagumpay kaya siya na makuha ang tiwala ni Rui? Paano makakaapekto sa kaniya ang aso't pusang bangayan nila ni Brant? At sino ba ang lalake sa buhay niya na tila ayaw siyang tantanan kaya hindi rin napigilan ni Iris ang unti-unting pagkahulog dito ng kaniyang kalooban?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“FIVE million pesos. ‘Yan ang ibabayad ko kapag nagawa mo ang ipapagawa ko.” Nagsalubong ang mga kilay ni Iris. “I’m sorry. H-hindi ko yata naintindihan ang sinabi mo, Ma’am?” nalilitong sagot niya. Hindi agad sumagot ang babae. Dinampot nito ang tasa ng kape at sumimsim. Isa ito sa mga unang customer sa pinapasukan niyang coffee shop sa umagang iyon, at inakala ni Iris na may kung anong iuutos lang kaya siya nito tinawag at pinalapit. Napatingin siya sa malaking bato sa suot na singsing nito. Gaya ng mukha at leeg, makinis at maputi ang kamay ng babae. Halatang hindi dumadaan sa mabibigat na trabaho. Ibinaba nito ang tasa at muling tumingin sa kaniya. “Nasa ospital ang kapatid mo, hindi ba? Kailangan niyang maoperahan, so I’m sure you need the money.” Nagusot ang noo niya. “Sino ka ba? Kakilala ba kita? Paano mo nalaman ang tungkol diyan?” “Hindi na ‘yon importante. Ang tanong, interesado ka ba?” Nagdududa man ay nagtanong si Iris. “Ano bang ipapagawa mo?” “May aakitin kang isang tao.” Napaawang ang bibig niya. “A-ano?” “Malaking halaga ang limang milyon. Kaya mo ba?” Umismid siya at napailing. “Alam mo, Miss, aaminin ko na kailangan ko ng pera, pero hindi ‘yon dahilan para ibenta ang sarili ko.” Ngumuso ito, pero hindi naman mukhang nainis. “Alright. Perhaps you just don’t trust me kaya ganiyan ang sagot mo. Ganito na lang. Oras na pumayag ka, bibigyan agad kita ng paunang bayad na isang milyon. At ibibigay ko naman ang apat na milyon oras na magawa mo ang trabaho.” Natahimik si Iris. May dinukot ang babae mula sa dalang hand bag at inilapag sa mesa sa harapan niya. “Here’s my calling card. Pag-isipan mo ang offer ko at tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na.” Hindi siya nakakibo. Sunod na inilapag ng babae ang bayad nito at pagkatapos ay tumayo na at tuloy-tuloy na lumakad palabas ng coffee shop. Naiwan si Iris na tulala pa rin at hindi makapaniwala sa alok na trabaho ng babae. “Ano ka ba naman, Iris?! Kukuha ka na nga lang ng order, mali-mali pa?!” bungad sa kaniya ng may-ari ng resto-bar nang puntahan siya nito sa kaniyang pwesto. Kasalukuyang nasa panggabing trabaho niya si Iris. Inaasahan na niya ang sermon ng amo dahil isang customer nila ang nagreklamo na mali ang ibinigay niyang order dito. “Pasensiya na po talaga, boss! Hindi lang kami nagkaintindihan ng customer,” paliwanag niya. “Hindi nagkaintindihan? Gano’n na naman? Pangatlo na ‘yan sa linggong ito, Iris! Umayos-ayos ka na kung ayaw mong mawalan ng trabaho!” Dinuro na siya nito kasabay ng pagbabanta. Mabilis siyang tumango. “O-opo, boss! Hindi na mauulit! Sorry po talaga!” patuloy na paghingi niya ng paumanhin bago siya tinalikuran ng galit na amo. Balik-trabaho siya pagkatapos. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nag-ring naman ang cellphone niya. Hindi nga muna niya papansinin, pero nang makita ang numero ng ospital kung saan naka-confine ang kapatid ay agad niyang sinagot ang tawag. "Hello?" “Miss Devoma, this is Dr. Bernardo. Gusto ko lang ipaalam sa’yo na lumalala na ang kondisyon ni Sandra. Kailangan na nating makahanap ng donor at nang maisagawa ang transplant sa lalong madaling panahon.” "S-sige po, Doc. Gagawan ko po ng paraan. Pakiusap ko lang po, habang hindi pa nagagawa ang transplant, gawin n'yo ang buong makakaya n'yo para madugtungan ang buhay ng kapatid ko. Hindi siya pwedeng mawala." “Miss Devoma!” Umalingawngaw ang boses ng amo ni Iris sa kusina ng resto-bar. "I'll do my best, Miss Devoma," sagot ng doctor. “S-salamat, Doc!” sagot niyang nataranta at dali-daling pinatay ang cellphone bago itinago sa bulsa. Pagpihit ni Iris ay nagulat siya. Nasa harapan na pala niya ang amo na namumula ang buong mukha at halos umusok na ang ilong. “Kaya pala hindi ka makapagtrabaho nang maayos! Maya’t maya ka kasi nasa telepono mo!” “B-boss, hindi naman sa gano’n. ‘Yong doctor kasi ng kapatid-” “H’wag ka nang magpaliwanag!” Halos mabingi siya sa sigaw nito. “Humanap ka na lang ng ibang mapapasukan na matitiis ang working attitude mo! Kunin mo ang huling sahod mo at umalis na ngayon din! Sisante ka na!” Walang nagawa si Iris kundi ang umalis sa resto-bar. Nabawasan pa tuloy siya ng isang pinagkakakitaan. Hindi pa man din siya pwedeng umasa sa dalawang trabaho lang dahil hindi kakayanin sa dami ng kaniyang ginagastusan. Kailangan niya ulit makahanap ng kapalit sa nawalang part-time job. Naglakad-lakad siya hanggang sa makarating sa malapit na parke. Magulo ang isip niya. Pakiramdam niya ay pasan niya ang daigdig sa dami ng problema na sabay-sabay pang dumating. “Susmaryosep!” sambit niya, kaagad na lumuhod sa damuhan at inilagay ng mga kamay sa ulo bilang pantakip. Hindi siya maaaring magkamali sa narinig na ingay. Mga putok iyon ng baril! Bahagya siyang nag-angat ng mukha at lumingap sa paligid. May iilan na lang na mga taong gaya niya ay nasa parke, subalit bigla ring nagtakbuhan nang makarinig ng mga putok. "Ano ba ‘yan?! Lahat na lang ba ng kamalasan sa akin matatapat?! Ang dami-dami ko nang problema, ha?!" inis na sambit niya at muling napatalon sa takot. Ilang putok ulit ng baril ang umalingawngaw kaya hindi na malaman ni Iris kung saan anong gagawin. Baka tamaan siya ng ligaw na bala. Hinintay niyang mawala ang putukan. Namataan niya ang isang malaking puno sa may di-kalayuan. Tumingin muna siya sa paligid at nang makitang medyo kalmado pa ay nagtatakbo siya patungo sa puno. Pagdating doon ay binaluktot niyang maigi ang sarili sa pagkakaupo at maingat na nagtago. "H-help..." Nanlaki ang mga mata niya at muntik nang mapasigaw. May humawak kasi sa braso niya at isang lalake ang natagpuan niyang nakaupo rin sa damuhan at nakasandal sa kabilang gilid ng malaking puno kung saan siya naroon. Nagtaas ng mukha ang lalake at tumingin sa kaniya. Umangat ang isang sulok ng mga labi nito. “Good thing you’re here. Please, help me.” Nalilitong pinagmasdan niya ang lalake. Nakasuot ito ng maskara at kalahati ng mukha ang natatakpan, subalit sa kabila noon at sa kakaunting liwanag ay natitiyak niyang may hitsura ang lalake base sa matangos nitong ilong at matitigas na mga panga. H'wag nang idagdag ang magandang hugis ng mga labi nito. Halata ring matangkad na tao rin ito kahit nakaupo. Mahahaba ang mga daliri sa kamay nito na nakahawak sa may tiyan na… dumudugo?! Napasinghap si Iris. At kaya naman pala hindi halos makagalaw ang lalake ay dahil sugatan at tinamaan marahil ng bala ng baril. Nakita rin niya ang ilan pang bahid ng dugo sa kamiseta nito na pinatungan ng itim na coat. "M-mauubusan na’ko ng dugo,” anang lalake. Natigilan muna siya ng ilang sandali bago nagsimulang matakot. Katapusan na ba niya?! “T-tulungan mo'ko…" "A-ano?! B-baliw ka ba?!" "I’m serious. K-kailangan ko nang makaalis dito..." "B-bakit ako?! Madamay-damay pa ako sa'yo!" Hawak pa rin siya nito sa kaniyang palapulsuhan kaya hinila niya ang braso, pero malakas ang kapit ng lalake roon. "Don’t leave-“ Hindi ito natapos ang sinasabi. Sa takot at pagkataranta kasi ay mariing kinagat ni Iris ang lalake sa kamay. “Sh*t!" angil nito at binitiwan ang pulso niya. Maliksi siyang tumayo pagkatapos, subalit nahagip nito ang isa niyang binti. Napasalampak siya sa damuhan bagp pa man siya makatakbo. Naghalo ang inis at takot niya. "B-bitawan mo'ko!" At desperadang pumiglas para mabawi ang isang paa. Halos gumulong na siya sa damuhan. "I’m begging for help! Miss…" "Ayoko nga sabi!" gigil na sagot niya at ubos-lakas na inundayan na ng suntok ang lalake sa panga. Nakawala si Iris nang mapahiga ito sa damuhan. “Holy sh*t!” malakas na mura ng lalake at naaninag niya sa kalahati ng mukha nito ang naramdamang sakit. Totoo yatang nasaktan kaya inusig siya ng sariling konsensiya. "S-sorry!" sambit niya. Nilapitan niya ang lalake para sana matulungang bumangon, pero nagbago ang isip niya. "Ayaw mo na nga akong tulungan... babasagin mo pa ang mukha ko," reklamo nito habang hawak ng isang kamay ang dumudugong tiyan at hinihimas naman ng isang kamay ang kaliwang panga. Nagpumilit itong bumangon habang naghalughog naman ni Iris sa dalang bag. Hinugot niya mula roon ang pulang scarf at saka maingat na itinaas ang kamay ng lalake na nakahawak sa sugat. Inilagay niya sa palad nito ang malaking panyo bago muling inilapat sa may sugat. "P-pasensiya ka na! Ang kulit-kulit mo kasi!" aniya rito. Hindi kumibo ang lalake. Nakita niyang tiningnan siya nito. "P-paano? M-maiwan na kita. M-m... magpagaling ka, okay?" Pagkasabi noon ay tumayo na rin kaagad si Iris at patakbong umalis sa lugar. Kinalimutan niya ang insidente sa parke at muling hinarap ang mga problema niyang naghihintay ng solusyon. "I knew you would call. Nakapagdesisyon ka na ba?” tanong ng babae mula sa kabilang linya. “Magkita tayo. Gusto kitang makausap nang personal.” “Sure!” sagot nito at sinabi kung saan sila magkikita sa araw ding iyon. “Puntahan mo’ko. Hihintayin kita.” Hindi na nagdalawang-isip si Iris. Pagpunta nga niya sa cafeteria ay naroon na ang babae. Nakita siya nito. Lumapit siya at agad umupo sa katapat nitong silya. “Hi, there!” bati nito sa kaniya at tumaas ang perpektong mga kilay. Nakita niya sa magandang mukha nito ang anino ng isang ngiti, senyales na alam na nito ang magiging sagot niya. “So, Iris? Tinatanggap mo na ba ang trabaho?” Nagbuga siya ng hangin. "Bago ‘yon, sigurado ka bang mababayaran mo ako ng limang milyon? At ibibigay mo ang unang isang milyon kapag tinanggap ko ang trabaho?" paniniyak muna niya. "Of course! Gusto mo ng proof?” Kinuha ng babae ang bag at may inilabas na sobre. Inilapag nito iyon sa mesa at itinulak papunta sa gawin niya. “See it for yourself. Bilangin mo pa kung gusto mo.” Napalunok si Iris. Dinampot niya ang sobre at nanginig nang makita niya ang maraming lilibuhin na nasa loob. Naalala agad niya ang running bill ni Sandra sa ospital. Malaking kabawasan na iyon sa problema niya. Inilapag niya ulit ang sobre at tumingin nang diretso sa kaharap. "Okay. Payag na'ko. Sabihin mo, sino bang aakitin ko?" Lumapad ang ngiti nito. "Ang asawa ko."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
99.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.4K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
23.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook