Yung akala mo maamo, hindi pala. Yung akala mo hindi makakabasak ng pinggan hindi pala. Yung akala mo na mabait may attitude pala. Napailing nalang ako habang inaayusan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Naka straight ang buhok ko at light make up lang ang nilagay ko. Hindi silver sleeveless ang suot ko, kundi isang gray sleeveless na regalo sakin ni Ate kelly kaninang maga.Nag pasya akong isuot to mamayang gabi para saking birthday. Nang matapos ako at kinuha ko ang bag na kapares ni niregalo sakin ni Ate kelly ay isang black highheels. Dinalaw ko kanina si Mommy dahil kung kailan kami ipinanganak ng kakambal ko yun din ang araw na nawala sya. Dinalaw namin silang sama sama at nag pasalamat ng marami dahil patuloy nya parin kami binabantayan. Lumabas na ko ng kwarto ko at mabilis na