CAMILLA "Para naman tayong nasa honeymoon stage pa rin ngayon, Jared," sabi ko na bahagyang bumaling pa sa katabing asawa ko habang nakapatong ang ulo ko sa balikat niya at nakaakbay sa akin kaharap ang dagat at pinapanood ang pa palubog na haring araw. "P'wede namang araw-araw ang honeymoon natin kung gusto mo, sweetheart. We are still newlyweds; it's just almost three months, remember?" sagot ni Jared na hinalikan pa ako sa ulo. Kung sabagay, parang kailan lang naman ng ikasal kami. Well, sapilitang kasal kasi hindi naman ako talaga prepared noong nangyari iyon, tapos parang hindi rin naman tunay na kasalan ang nanganap kasi tulad 'yon ng tinatawag nilang shotgun wedding. Kung wala lang certificate at papel na pinirmahan ko, masasabi kong peke ang kasal namin ni Jared ng araw na 'yo