CAMILLA Pabago-bago ang mood swings at emosyon ko recently. Mostly, okay naman ako sa umaga pero may mga pagkakataon na sobra akong nalulungkot sa tuwing iisipin ko kung ano ang posibleng mangyayari sa amin ng anak ko in future. Hindi magtatagal ay lalaki ang tiyan ko pero heto ako, umaasa sa tulong ng iba. Gusto kong magsimula ng panibagong buhay pero sa tuwing iisipin ko ang banta sa seguridad namin ng batang dinadala ko ay pinipigilan ko ang sarili kong lumabas para gawin ang nauna ko ng plano noon pa. Malungkot na nakatanaw ako sa malawak na bakuran. Payapa ang lugar ito pero hindi ako pwedeng umasa kay Declan habang buhay. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa para sa anak ko pero paano ko gagawin iyon kung hindi naman pala ako pwedeng umalis dito. Minsan, pakiramdam ko ma