CAMILLA "Alam mo, Jared, g'wapo ka na ulit sa paningin ko. Kaya lang," napakurap ako at natigilan ng bumaling ang tingin sa akin ni Jared. "Kaya lang ano?" tanong agad nito. "Hindi ko talaga gusto ang itsura mo ngayon," naka-ngiwi na sagot ko. "What?! Akala ko ba g'wapo na ako?" naguguluhan na tanong pa nito. "Yeah, mas malinis nang tingnan ngayon ang mukha mo. Pero hindi ko talaga gusto na gan'yan ang buhok mo, naaalibadbaran ako," nanunulis ang nguso na sagot ko. Nakalimutan ko bigla ang pangako ko sa sarili ko na pipigilan ko ang kung ano-anong lalabas sa bibig ko at maging mabait na nang tumabi sa akin si Jared. Hmp, bahala na nga. For sure naman hindi niya ako ibabaon sa buhanginan kasi dinadala ko pa sa ngayon ang mga anak pinapangarap n'ya. Napa-ngisi tuloy ako habang nakat