CAMILLA Maagang umalis si Alexander kanina dito sa isla. Sakay umano ng private chopper nito na sumundo sa kanya kaya paggising ko ay wala na pala siya. Alas-otso na kasi ako nagising lalo na at medyo nahihilo ako at nakakaramdam ng panghihina kaya hindi muna umalis si Jared papuntang Maynila. "Gusto mo bang sumama sa akin pabalik sa Maynila?" seryosong tanong ni Jared habang kasabay ko kumakain ng almusal. "P'wede ba akong sumama?" nag-aalangan na tanong ko dahil daddy niya ang pupuntahan ni Jared pero pakiramdam ko kasi magtatagal siya doon tapos ayaw kong maiwan dito na mag-isa. "Sure, sweetheart. Anything you want," nakangiting sagot ng asawa ko na hinawakan pa ang kaliwang kamay ko kaya nabitawan ko ang tinidor na hawak ko. "I love you," malambing na sabi ni Jared kaya napangiti