"Just stay with me, Camilla." Iyon lang ang huling narinig ko bago siya yumuko at hinalikan ako sa labi. Magaan lang, walang halong pagmamadali at pang-aakit. It's pure kiss na para bang may gusto siyang ipahiwatig sa paraan ng pang-hahalik niya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay siksik ng mukha sa leeg. Lagi siyang ganito at tila nakasanayan ko na, ang sweet ng gesture niya. Siguro natural lang na malambing siya kaya ganito na lang ang bawat kilos niya. "Let's go inside para makapag-pahinga ka na," aya nito sa akin. Tumango lang ako ng bahagyang lumuwag ang braso niya sa bewang ko. Iginiya niya ako papasok sa silid namin at sinabing magpapadala na lang ng dinner namin dito para hindi na kami bumaba. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko, siguro kaya mabilis rin magbago ang

