CAMILLA Hinatid at sinamahan ko si Samantha sa guest room na malapit sa silid na namin ni Jared. Iniwan ko agad siya doon ng makapasok siya at malalaki ang mga hakbang tinungo ang k'warto namin ng asawa ko. Wala akong nakitang kahit anong pagbabago maliban sa malaking picture frame ng araw na ikasal kami sa beach house niya sa isla. Larawan ng masayang okasyon at hindi makikita ang kahit anong bakas na may hindi pala magandang mangyayari oras na bumalik kami dito sa Maynila. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay ako na mismo ang pumigil sa kan'ya na bumalik dito dahil masaya kami doon at pakiramdam ko ay bukod sa payapa ang pamumuhay doon ay perpekto na ang buhay namin sa isla. Marahang humakbang ako at tumapat sa malaking picture frame at pinaka-titigan ang mukha ng asawa ko