CAMILLA Nakakatuwa at nakakagigil ang matambok na p'wet ni Jared na naka-display sa harap ko. Hubo't hubad at hindi man lang nag-abalang mag-tapis ng tuwalya o kaya naman magsuot ng kahit boxer man lang sana. Para tuloy kaming si Adan at si Eva na bagong sibol at narito pa ngayon sa gubat. May kapilyahan tuloy ang biglang pumasok sa isip ko at pinigilan ko siyang kunin ang pinggan na may natira pang sliced ng cake na nilantakan ko. "Wait, ibaba mo muna 'yan, please," matamis ang ngiting pakiusap ko na tumayo pa at kinuha sa kamay niya ang pinggan. "Akala ko ba busog ka na at ayaw mo nang kumain?" nagtataka na tanong ni Jared lalo na at kumuha ako ng icing sabay hatak sa puting tuwalya na nakabalot sa katawan ko kaya nalaglag ito sa paanan ko. Namilog tuloy ang mga mata ng asawa ko sa n