JARED It's been two weeks na pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kahit anong lead kung nasaan si Camilla. Kadarating ko lang galing Thailand para maghanap ng santol na pinaglilihian ni Liegh. Hindi ko lang talaga matanggihan dahil ayaw ko namang sumama ang loob ng buntis na babaeng iyon dahil wala kaming nahanap nang isang araw tapos umuwi pa kaming mga namamaga ang mga mukha at ako na tanga-tanga ang napuruhan. Hindi pa nga ako fully heal ay binulabog na agad ni Declan para maghanap ng santol sa Thailand. Nag-search pala ang kumag na 'yon sa internet at ako ang inutusan pang-bawi raw sa kasalanan ko dahil lahat sila ay na perwisyo. Napa-iling na tiningnan ko ang report na binigay sa akin ng right hand ko kanina ng makabalik ako ng bansa. The whole time na wala ako dito sa Pilipi