Terrence's Point of View THREE DAYS. Tatlong araw na ang lumipas pero hindi ko pa rin siya mahanap. Hindi ko alam kung saan ko pa siya hahanapin dahil halos napuntahan ko na lahat ang alam kong maaari nilang puntahan, pero wala, hindi ko sila mahagilap. And I was depressed. Damn. I can't find my wife! I know she was kidnaped by him. Alam kong hindi magagawa ni Rachelle na iwan ako, kami ng anak niya para lang sumama sa Clark na 'yon. Malamang ay kinidnap siya ng gagong 'yon. I swear, I will break that man's face oras na makaharap ko. Ngayon ay isang lugar na lang ang pag-asa ko para makita sila. At sana nga ay matagpuan ko sila roon dahil kung hindi… Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Pagkapasok sa Hacienda De Zego ay mabilis kong inihinto ang kotse sa harap ng mansyon at n