MALAPAD akong napangiti habang pinagmamasdan si Cedric na nagpapalabas ng sariling laway sa bibig, nakahiga na ito ngayon sa taas ng kama ko. Ang cute niya, ang sarap pagmasdan, nakakawala ng stress. Parang sandali kong nakakalimutan ang mga problema ko habang pinagmamasdan ang cute na mukha ni baby Cedric. "Hi baby, nagutom ka na ba? Gusto mo bang ipagtimpla ka na ng gatas ni ate?" malambing kong tanong at maingat na pinunasan ang laway sa maliit na labi nito gamit ang tissue. Ngayong wala na sina Flora at Fenna dito sa bahay ay ako na lang ang tanging mag-aalaga kay Cedric. He's my little brother, kaya dapat lang na hindi ko siya pabayan. Masama man ang kaniyang ina, ngunit kapatid ko pa rin naman siya at anak siya ni Daddy. "Sweetheart, sigurado ka na bang kaya mo nang mag-isa ri