"DAD, bakit ka pala narito? May kailangan ka po ba?" Paling-linga pa si dad sa paligid na para bang may kung anong hinahanap ng mata. "Gusto ko lang ipaalam sa'yo na mapapalitan na ang isa sa mga bodyguards mo simula bukas kaya ako narito, princess," sagot ni dad matapos tingnan ang loob ng banyo at closet ko. I think narinig talaga ni dad ang boses ni Clark kanina mula sa labas. Damn! Naghihinala yata talaga si Dad! Napatikhim naman ako at pilit na ngumiti. Nanatili akong nakaupo sa kama. "Iyon lang pala, sige kung ganoon makakalabas ka na Dad. Inaantok na kasi ako, eh..." pagdadahilan ko at kunwari ay humikab para magmukhang totoo. Napatitig si Dad sa akin ng ilang saglit na para bang pinapag-aralan pa ang kinikilos ko, pero maya-maya ay napatango-tango na lang ito at naglakad na