LUNES na naman at back to school na naman ako dahil tapos na ang punishment ko ng three days. Nakabalik na rin si Daddy mula sa kanyang business trip. Buti na lang at hindi nalaman ni Dad ang tungkol sa pagka-suspended ko sa school na lubos kong pinagpapasalamat. Ngayon ay nakaupo ako sa loob ng classroom at tulalang nakikinig sa professor namin. Iniisip ko pa rin ang tungkol sa tatlo kong bodyguards kung ano ba talaga sila at sino ba talaga sila. Sa tatlong araw na lumipas ay pansin ko ang pananahimik nilang tatlo. Hindi na sila tulad ng dati na ubod ng kulit sa akin lalo na si Clark, hindi na siya 'yung tipong malambing at mapang-asar. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari at napakalamig na nilang tatlo. Gusto ko sanang itanong kung may katotohanan ba ang mga sinabi ni Lea nung araw