Third Person's POV LIMANG oras lang nanatili sina Terrence, Andro at Zach sa loob ng kulungan at agad din silang pinalabas ng mga pulis nang dumating ang kanilang attorney na isa ring tauhan ng HNSS. Pero pagkalabas nila ng kulungan ay hindi agad sila nakabalik sa Hanson's Mansion dahil may pinagawa pa sa kanila ang HNSS na isang importanteng misyon. Buti na lang pagkalipas ng tatlong araw ay agad din natapos nina Andro at Terrence ang kanilang misyon, kaya pumayag na ang kanilang bagong director na pansamantala muna silang umalis. Maliban na lang kay Zach na nagpaiwan muna sa hideout para sa training ng mga bagong agent ng HNSS. Si Clark naman ay nasa misyon pa rin ito dahil hindi pa rin nakikilala at nahahanap ang nagngangalang Dogras V, na siyang pinaka-boss ng isang malaking sindik