GABRIEL SINCE MY WIFE is still sleeping, nagtulong kami ni Daniel na magluto ng hapunan. Chesca helped as well while having wine. Ang bubble tea ni Delta ay inilagay n'ya sa ref at kahit naman matunaw 'yon ay iinumin pa rin n'ya. Mas maganda nga kung hindi n'ya ubusin. Sabagay, sabi naman n'ya kanina ay kalahati lang. "I'll season the asparagus and the mini-potatoes then we can bake it," sabi ni Chesca. Tumango ako. While I was preparing the roast beef, si Daniel naman ay gumagawa ng fruit plate. Wala pala itong masyadong alam sa kusina -- other than frying and grilling. Nang mapalingon ako sa gilid ay nakita kong gising na ang asawa ko. "Hi babe, good nap?" humalik ako sa noo n'ya at saka itinuloy ang ginagawa ko. "Napasarap ang tulog ko. What are we having?" excited n'yang tanon