MELANIE "ANO? HINDI KA rin sasama? Sinong kasama ko ngayon? Hannah naman!" Hindi ko mapigilan ang maghimutok dahil two months ago pa nakaplano ang pagpunta sa party na ito. Kung hindi lang ako nag-RSVP ay kaya mo pa ako mapapunta sa birthday ni Suzanne. We know each other but we are not close. Ang totoo n'yan, ayaw ko sanang magpunta kasi pinsan s'ya ni William. Pero ayaw ko naman na lumabas na bitter kaya pupunta na lang ako. Sumpa yata ito ng mga babaeng katulad ko -- hindi marunong humindi sa mga ganitong kasiyahan kaya kahit awkward ay sige lang. "Sorry na, Mel. I have hives at hindi ako makakalabas ng puno ng pantal ang mukha at katawan ko. Daig ko pa ang nagsuot ng polka dots na damit sa bagong taon sa hitsura ko." "Ano ba kasing kinain mo?" tanong ko sa kanya. "Hipon." "