MARCUS HEARING ODESSA TALKED about her greatest rival so gently made me realize she has changed. Hindi ko mabilang kung ilang beses ko s'yang tinanong noon tungkol kay Delta. Tungkol kay Gabriel. The usual question of what's going to happen if one day, mag-krus ang landas nila dahil maliit lang naman ang mundo. Lalo na at nasa Maynila rin sila. Hindi madali para sa akin na tanggapin ang katotohanan na minsang nahibang si Odessa kay Gabriel. He has been my greatest rival the same way Delta was to her. Ang hirap palang makita na ang isang taong natutunan mong mahalin ay may gustong iba. May mahal na iba. Hindi ko alam kung anong sumpa mayroon ang lahi namin at magmula sa aking ama ay palaging hindi kami ang gusto ng minamahal namin. Hindi lingid sa akin ang nakaraan n'ya. Alam ko ku