OPHELIA aka ISABEL GABI NA MULI at tanaw ko ang nagkikislapang ilaw na tila butuin sa kalawakan ng Maynila. Who knew after years of searching for my baby sister, I would actually find her. It has been my mission in life for as long as I can remember. Masyadong malaki ang Maynila at hindi lang s'ya ang may pangalang Odessa Velasco sa mundo at hindi ko alam kung anong hitsura n'ya noong tumanda. I didn't have the resources then. I was only seven when the accident happened. Hindi ko alam kung saan kami pupunta nang araw na 'yon pero sumakay kami ng bus at may nakasulat na Lucena sa sign board. Bitbit ni Nanay si Odessa na wala pa ng isang taon. Ang sabi n'ya lang sa akin ay isuot ko ang pinakamaganda kong damit. Isa lang naman ang bestida ko noon at medyo maliit na 'yon sa akin. Isinuot ko