GAB PALUBOG NA NAMAN ang araw pero si Mommy ay nanatiling nakaupo sa kanyang silya sa maliit na hardin ni Kuya. Every afternoon, she would come here and visit them with her hot tea and a piece of bread. Payat na s'ya at tamad ng magkakain. But her face could still launch a thousand ships. Napakaganda pa rin ng aking ina sa kabila ng katandaan. Last month, she turned ninety. Wala na ang lahat ng mga kaibigan n'ya. At maging si Daddy ay wala na rin isang taon na ang nakakalipas. That's the reason why she comes here often. My father's urn was buried with my brother. Naupo ako sa tabi n'ya katulad ng palagi kong ginagawa. "Ma, gusto mo na bang bumalik sa bahay? Malapit ng lumubog ang araw," tanong ko sa kanya. "Can we stay a little bit more? Just five minutes," pakiusap n'ya. Tumango a