YOU COULD SAY Gabriel didn't have a good night sleep. Pabalik-balik s'ya sa banyo at naawa naman ako sa lagay n'ya. Ang pangako ko sa kanyang gabi ng kaharutan ay nauwi sa puyat ng lagim. Funny though, hindi naman nasira ang t'yan ko. Mahina siguro ang t'yan ni Gabriel dahil noon ay ganito rin s'ya noong kinain n'ya iyong toasted bread na may strawberry jam at tinadtad na bayabas. Nang makabalik s'ya sa kama ay namumutla na s'ya. Pero kumuha na ako ng gatorade mula sa fridge at inilagay sa gilid ng kama. Baka madehydrate s'ya, ayaw ko naman s'yang mahospital. Hopefully, lilipas din itong paglilihi ko sa avocado. Geraldine came to visit me a few days later and invited me to go shopping. Si Mommy at Daddy ay dumalaw rin at sila ang nagbantay sa kambal sa penthouse. Hindi pa namin nasasab