I RECEIVED A call from Odessa this morning. Si Geraldine ay nakauwi na sa Tarlac. Nagulat ako sa tawag n'ya sa totoo lang. Gusto n'yang magkita kami sa isang Japanese restaurant malapit dito sa bahay pero nang magpaalam ako kay Gabriel ay ayaw n'yang pumayag. Ang sabi n'ya ay delikado. Ayaw kong tanggihan si Odessa lalo na at s'ya ang kusang tumawag sa akin at nag-imbita. Kaya ang naisip ko, kung ayaw ayaw ni Gabriel na lumabas ako at makipagkita ay si Odessa ang papupuntahin ko sa penthouse. I asked her to bring baby Olivia as well para makalaro ng kambal. As for the food, nag-order ako sa Japanese restaurant na sinasabi n'ya at pina-pick up sa isa sa mga bodyguard ko dahil wala silang delivery service. Natawagan ko na rin ang front desk para sabihin na may kaibigan akong darating at