CHAPTER 35: PUMILA SI LINDSAY sa mahabang pila papasok sa restaurant. Para siyang nahipnotismo para lang pumila. Halos trenta minutos din siyang pumila sa labas hanggang sa tuluyan siyang makapasok. Maaliwalas ang ambiance ng restaurant, tama para payapang makakain ang mga customer. Palinga-linga siya sa paligid habang naglalakad para tumungo sa bakanteng lamesa, sa may pinakadulo. Pagkaupo niya roon ay pinuntahan siya ng lalaking waiter na nakauniporme na puting polo at brown na apron. “Can I take your order, Ma’am?” tanong ng waiter. “Hmm, can I ask who’s your boss here?” diretsong tanong niya. Bahagyang napakamot sa sentido ang waiter. “Bakit po?” “I just want to make sure if he was the man I was looking for,” sagot niya. “Ay, malabo po. Babae po ang may-ari ng restaurant nami